Tumatakbo ang isa kong friend nang nagulumihanan xa sa daan na tatahakin at walang habas xang sumalpok sa akin, tuloy si SkyLark na nananahimik sa loob ng case niya ay tumilapon at bumagsak sa marble na floor. KKKAAATTTOOOOKKK!!! Hindi namang sira nawala lang sa tono, pero kinabahan ako dahil nakikihiram lang ako ng violin.
Samantala, imbis na convex ang shape ng isang turtleback na gitara naging concave ito matapos maupuan ng kapatid ng Girlfriend ko (hindi ko rin naman malaman kung papanong nakalapag lang xa sa sahig ng nakataob). Nagulantang kame for quite some time, pero sa kabutihan ng aking palad naibalik ko ito sa dati nitong pagkakuba.