Katulad ng nabanggit, isa sa mga dahilan kaya ako napasali sa forums na ito ay sapagkat nais kong bigyan ang sarili ko ng pagkakataon para matutong tumugtog ng violin. Matagal ko na kasi itong gustong gawin, pero ngayon lang ako nagkaroon ng oras at pinansyal na kakayahan para dito.
Aaminin ko sa inyong wala pa akong alam. Hindi ako marunong bumasa ng music sheet, at hindi pa talaga ako nakakatugtog kahit isang beses. Siguro ang masasabi ko lang e madalas akong makinig ng tugtuging klasikal katulad ng mga master-piyesa nina Mozart, Beethoven, atbp. Ang level ko po ay masasabi nang Level 1 beginner.
Kaya ito ako ngayon at humihingi sa inyo ng payo kung saan ako pwedeng matuto. Ako ay taga-Makati, at sa palagay kong, sasang-ayon sa akin ang iskedyul na Linggo ng hapon (lagi kasi akong lumalakwatsa 'pag Sabado :D).
Maraming salamat sa mga makatutulong. Rakenrol.