Home  Search  Register  Log in  

Share | 
 

 Was it the Strings or the Violin?

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
T@l Blaiser
Bachendorff
Bachendorff
avatar

Posts : 476
Join date : 31/10/2010
Location : Sampaloc, Philippines

PostSubject: Was it the Strings or the Violin?   Tue Nov 30, 2010 3:43 pm

Hello PV!

Dominant ang ginagamit ko sa aking violin, pero nang nag lesson na ako, at naka scedule na ako mag practice araw araw, kaso naisip ko na sayang lang itong Dom para pagpractisan lamang, so bumili ako ng mumurahing string sa may Salonga[Raon, Quiapo] Alice A703A ung inabot sa akin. well okay 100P lng per set. Yep! pinalitan ko na ng Alice string si Yvette ^^;

Problem ko sa Alice ay mabilis siyang mag screech, lalo na pag mag cross strings at ang sakit sa tenga, pero kung iingatan naman ang bowing maiiwasan iyun, matigas gamitin ito, medyo mahirap pindutin... pero siguro lalambot pagtagal.

So, maliban sa mga binangit ko, napansin ko wala silang halos pinagkaiba sa Doms, ung mga gusto ko na sound na ginagawa ko sa Doms nagagawa ko rin dito sa Alice pero with a lot of care, kundi mag screech ito.
Pero pag gumamit ako ng Alice sa Hofner china, talagang hinde ko matatagalan ang tunog nito, pero ng sinubukan ko ng Doms itong Hofner ang gandang pakinggan? Mukhang may malaking potential ang Doms na hinde ko naririnig pag nakakabit ito kay Yvette? anyway mukhang mag stick muna ako dito sa Alice habang estudyante pa lang ako.

Hinde ko minamaliit ang Dominant, nakaka addict itong gamitin dahil malambot, mataba ung strings at maganda agad ang sound na napoproduce... maliban ung E string nito, nakakapikon!


THE BIG QUESTIONS:

- Pag titingin ka ba ng violin dapat cheap strings ang nakalagay?

- Nakakadaya ba ang mamahiling string sa low grade violin?

- Meron pa bang Paganini Rosin na binibenta? Bumili ako ng Pirastro Eudoxa eh hinde ko magustuhan ang amoy, Nalalapit sa caramel ung amoy ng Paganini parang sarap kagatin hmmmmmm.

Thank you!



Back to top Go down
http://tal-blaiser.deviantart.com/
baroqueviolin
Sobrang Spammer. Di na nagprapraktis
Sobrang Spammer. Di na nagprapraktis
avatar

Posts : 1970
Join date : 27/03/2010
Location : San Pedro, Laguna

PostSubject: Re: Was it the Strings or the Violin?   Tue Nov 30, 2010 4:36 pm

@TalBlaiser

Naku complicated topic ang strings !!! ... ahahaha... pwedeng maubos ang isang afternoon sa kwentuhan at comparison lng ng mga different strings available !!!!... ^_^

ang masasabi ko lang there are lots of strings and string brands available out there. These are developed kasi different players look for different sounds.

Perlon is in fashion since its invention to mimic the sweet sound of gut without the tuning instability by cause of weather etc.

Steel is preferred by Irish Fiddle players.. si Make Make at Lowell eto preferred nila.

Naked Gut are still available for Early Music players - Renaissance and Baroque. You can't play the 15 Mystery Sonatas, all in Scordatura, by Biber if you're using synthetics or steel.

Kung sa practice ng etudes for basic practice mas maganda ang Steel na Affordable ... hindi nakakapanghinayang ipang harabas. **Although i would advocate :

1. Synthetic string prices be lowered... para hindi nahihirapan at hindi nafufrustrate ang mga beginner violinist students. Warchal is developing a perlon string for children. Kaso A.) Will it be affordable ??? Baka naman libo libo parin ang price ?!! - Pointless din diba ??
B.) Will it be available here in the Philippines ??? takot mag import ang mga "stores" dito sa pinas... fearing na ikalulugi lng nila to ... they're not brave enough ... hahaha... o_O

Tungkol sa Rosin, Eudoxa was originally designed for Pirastro Eudoxa gut strings... ang habol namen dito yung Less Powdery nature nya... ^_^ ...tsaka manipis ang tunog ng violin ko pag hindi Eudoxa ang nakalagay sa bow ko ... gustu ko pag nakikipahid ako sa kanila dito sa PV ng Eudoxa... nagiging "Full" ang sound ni Sprezzy... <3
Back to top Go down
https://www.youtube.com/user/PeriodinstrumentfaN
jantigercat
Bachendorff
Bachendorff
avatar

Posts : 190
Join date : 11/09/2010
Location : Iloilo City

PostSubject: Re: Was it the Strings or the Violin?   Tue Nov 30, 2010 5:17 pm

Low grade strings can produce this steel sound na nakairitar. Usually I avoid these...pero mahal talaga yung Dominants. One time I tried Prelude Strings from D'Addario. Ok yung sound and very responsive.

Meron akung brand ginagamit Rossini Strings (Made in Canada) and it's not that expensive. 200ph per set. Pero yung sound is very good. One thing is that it's very durable. I have mine in my violin for a year na and still it sounds good. :-)

Back to top Go down
kanjiruminamoto
Höfner *Adik magpost*
Höfner *Adik magpost*
avatar

Posts : 889
Join date : 05/05/2010
Age : 30
Location : makati

PostSubject: Re: Was it the Strings or the Violin?   Tue Nov 30, 2010 7:49 pm

@ Jantigercat Saan nakakabili niyan? pinaimport mo b?heheh!

@ kuya Ron/barouqueviolin ou di Matapang ung mga Sellers haha!
kasi iniisip nila na malulugi sila.. Well Panapanahon lang yan.

about Edoxia un din ung Preffered na Rosin sa akin aheheh
makapit sa Steel Strings hindi kailangan ng full force just to Produce
a loud sound ahaha! one time ko lang natry kasi nakipahid ako
kay Kuya Oli Kuya Near! Thanks Kuya sa Experience
next time Ito na bibilhin ko this Week mabibili ko n ung Innig Strings
Kay Kuya Jake pero Di ko muna Gagamitin may Balak ako dun ahahah!
Innig Strings Synthetic Core Strings mag tatry ako ng Different Strings
kung saan ako magiging Comfortable pero since hinaharabas ko ung violin
ko sa Kakapractice Steel muna ako aheheh!
Back to top Go down
T@l Blaiser
Bachendorff
Bachendorff
avatar

Posts : 476
Join date : 31/10/2010
Location : Sampaloc, Philippines

PostSubject: Re: Was it the Strings or the Violin?   Tue Nov 30, 2010 11:48 pm

@ baroqueviolin & kanjiruminamoto: Maraming salamat sa info, buti na lang pala hindi ako kaagad nagbukas ng thread para ibenta itong Eudoxa. Nakakalungkot man sabihin na magpapa alam na ako sa Paganini, bangong bango pa naman ako doon parang sarap kainin ^^; pero kakaiba talaga itong Eudoxa, ung sinasabi ko na screech laki ng nabawas, kaunting practice pa sa bowing at siguro tuluyan ng mawawala :D at mas buhay ang Alice string dito.

He he he mukhang wala pa ako sa level para mapakinabangan ang full potential ng Doms, maliban ung comfortable play nito. practice muna ako sa Alice steel strings. Oo nga pala:

@baroqueviolin ano ung naked gut? As in Gut/bituka lang iyun? walang wounded coil? parang interesado ako, I mean ung tunog kaya nito ay kagaya ng mga tinutugtug nila Handel, bach & Vivaldi? soft & soothing at pang relax & pam patulog? habol ko sa violin ung malalambot ang tunog.


@ jantigercat: Uy! saan mo nakukuha iyang Rossini? gusto ko ring subukan please, meron akong nabili na Rotosound, 280P kaso masyadong magaspang, natatakot ako ilagay kay Yvette baka magasgas nito ung nut. at nakakatusok sa magkabilang dulo, ewan ko kung bakit ganito.

Sino ba ung mga source ninyo? kailangan ko rin magkaroon ng contact sa kanila ^^; Hay marami akong natututunan dito sa forum, nakaka inlove tuloy pumunta dito araw araw :D
Back to top Go down
http://tal-blaiser.deviantart.com/
"H" Kittyback TigerFlames
Sobrang Spammer. Di na nagprapraktis
Sobrang Spammer. Di na nagprapraktis


Posts : 1577
Join date : 28/03/2010
Location : Baguio City

PostSubject: Re: Was it the Strings or the Violin?   Wed Dec 01, 2010 12:43 am

TalBlaiser wrote:



THE BIG QUESTIONS:

- Pag titingin ka ba ng violin dapat cheap strings ang nakalagay?

- Nakakadaya ba ang mamahiling string sa low grade violin?

- Meron pa bang Paganini Rosin na binibenta? Bumili ako ng Pirastro Eudoxa eh hinde ko magustuhan ang amoy, Nalalapit sa caramel ung amoy ng Paganini parang sarap kagatin hmmmmmm.

Thank you!


@Talras

1.) hindi ikaw ang titingin kung mumurahin na strings ang nakalagay sa violin.. Kung nagtitipid sila, steel ang ilalagay nila.. nasa nagbebenta yan.. you just need to learn the major highlights sa pagpili ng violin..

Kung nanghihinayang ka sa Doms, you can try the low priced SYNTHETIC core string tulad ng binebenta ng Kaibigan ko.. INNIG string.. I can suggest this to you kasi madami na sa PV ang nakasubok nito.. Ask mo yung ibang nakasubok na and they will tell na sulit siya for its price. 400 petot per set.. Kung gusto mo din meron yung Huayin, Red Label etc.. pero nasa 4 digit na yun per set..

2.) Hindi siguro daya ang tawag sa ganun.. More like upgrade yun pag bumili ka ng quality strings. Tapos samahan mo na din ng tamang set up ng bridge at tuning pegs at tamang position ng sound post.. Kaya ng luthier yan... gaganda ang murang violin mo,,

3.) So far wala pa namang local reseller ng Andrea Bang Rosin, puro online palang.. Regarding eudoxa rosin, it seems like hindi mo pa napagdaanan ang mga murang rosin kaya hindi mo pa nadistiguish ang difference nito sa iba.. It is far better than the local brandless rosins.

Regarding the smell, Ganun talaga ang natural na amoy ng main ingredient ng Rosin which is PINE TREE RESIN.. Kung nakaamoy ka na ng sinibak na kahoy ng Pine Tree, pareho sila ng amoy.. So I guess, yung Andrea Bang ang may scent additive..

Para sakin kasi, kinalakhan ko na ang amoy ng pine tree dito sa baguio kaya para sakin mabango ang scent nito.. lalo yung bagong sibak (although bawal na pumutol ngayon)...
Back to top Go down
jantigercat
Bachendorff
Bachendorff
avatar

Posts : 190
Join date : 11/09/2010
Location : Iloilo City

PostSubject: Re: Was it the Strings or the Violin?   Wed Dec 01, 2010 10:12 pm

@kanjiruminamoto: Binili ko lang sa local na music store. Lahat ng stocks nila mula Manila. :-) Baka meron kayo dyan.

@TalBlaiser: Medyo magaspang yung Rossini Strings compared sa ibang strings but very durable. One problem is that it takes a long time to "break out"; meaning mag mature yung sound. Nung una, it will sound parang metal..but over time it will mellow down.

Hay, bumili ako ng bagong violin. Dynasty yung brand and I need to break out the sound of it by constant playing.

Back to top Go down
kanjiruminamoto
Höfner *Adik magpost*
Höfner *Adik magpost*
avatar

Posts : 889
Join date : 05/05/2010
Age : 30
Location : makati

PostSubject: Re: Was it the Strings or the Violin?   Sat Dec 04, 2010 11:38 am

@ Jantigercat Try mu ung Ginagawa sa OVH para madaling Magbreak in ung Violin
un ung sabi nila sa Site eh ahahah!..
Itinatapat sa Loud speaker? ahahah...
Parang Torture?
To Violin: Sige! Kumanta ka ng Maganda! Gandahan mo pa Sabi eh!
ahahah...

Naku Maghahanap ako ng Rosini Strings dito ahaha! :D

@ TalBlaiser Your Welcome!
and Yup as in Bituka, ung Gut Strings ay Gawa sa Bituka ng Lamb
na Habang Fresh hinihiwa/ Hinahati pahaba at Ginagawang pisi tapos
Pinapatuyo at nililiha sa tamang Size para sa Violin
Angmahal nito dahil sa Material at sa paraan ng paggawa T_T

@ Kuya Jeje Tama angbango ng Fresh na Kahoy na Bagong Sibak Lalu na ung Pine Tree..
:D
Back to top Go down
baroqueviolin
Sobrang Spammer. Di na nagprapraktis
Sobrang Spammer. Di na nagprapraktis
avatar

Posts : 1970
Join date : 27/03/2010
Location : San Pedro, Laguna

PostSubject: Re: Was it the Strings or the Violin?   Sat Dec 04, 2010 2:04 pm

@TalBlaiser

yup tama si Kanji ... Sheep Intestines - Sheep Gut - eto ung isa sa sa mga personal effects ni Paganini nung namatay sya ... unused naked gut strings... ----->


::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::

Close up ng E string no. 1 ni Paganini sa Genoa (sa mismong town kung nasan naka lagak ang Il Cannone Guarneri) --->




:::::::

yup mellow sya, at mas "colorful" kasi tadtad ng overtones.... hindi ako nagka privilege na ma-tugtug pero natry ko ma-pluck yung Gut Strings ng Viola da Gamba noong 2007 sa isang tindahan.... ... parang may "natural reverb" sya dahil sa "overtones" !!! ...
Back to top Go down
https://www.youtube.com/user/PeriodinstrumentfaN
kanjiruminamoto
Höfner *Adik magpost*
Höfner *Adik magpost*
avatar

Posts : 889
Join date : 05/05/2010
Age : 30
Location : makati

PostSubject: Re: Was it the Strings or the Violin?   Sat Dec 04, 2010 3:27 pm

wow! Mumyfied Unused Gut Strings ni Paganini ahaha! (talagang mumyfied?)
Joke!
Angganda nmn niyan Kuya Ron!

Sana ako magkaprivilege na Makapagtutgtog ng Violin na may Gutstrings!
Madali lang kasi na ma out of tune ang Gut Here sa Philippines dahil sa Climate


@ Kuya Jake Just Got the Innig Here! Thank you Very Much!
I will Reserve this for Proper use ahaha!
Steel parin muna Gagamitin ko... but I will Try to Experiment on Different Strings Talga
Kung saan ako magiging Cofortable para handa na akong magkaroon ng Handcrafted na Violin Wah! Kailan kaya un?
Back to top Go down
Clive
Bachendorff
Bachendorff
avatar

Posts : 48
Join date : 19/09/2011
Age : 29
Location : SJDM Bulacan

PostSubject: Re: Was it the Strings or the Violin?   Tue Sep 27, 2011 9:17 pm

wow ..basa basa..

wala bang gut string na available dito? hehehe

btw any comments about Vision thomastik strings? may nakita kasi ako 2k lang.hhehehe.. want to buy it...
Back to top Go down
"H" Kittyback TigerFlames
Sobrang Spammer. Di na nagprapraktis
Sobrang Spammer. Di na nagprapraktis


Posts : 1577
Join date : 28/03/2010
Location : Baguio City

PostSubject: Re: Was it the Strings or the Violin?   Wed Sep 28, 2011 9:58 am

Ok lang ang Vision. Trusted na ang brand na Thomastik. Similar siya sa Dominants.

Pero wag kang umasa na tatagal ang vision sa violin mo kung hindi ka pa gaanong refined violin player. Mafrufrustrate ka lang. Kasi hindi tatagal ng 6mos ang brilliance ng sound niyan.

Kung gusto mo ng synthetic, try mo yung mga chinese like HUAYIN, OPERA, or other synthetic strings sa Ebay.
Back to top Go down
Clive
Bachendorff
Bachendorff
avatar

Posts : 48
Join date : 19/09/2011
Age : 29
Location : SJDM Bulacan

PostSubject: Re: Was it the Strings or the Violin?   Wed Sep 28, 2011 5:41 pm

kung sa strings gusto ko ma try ignni nyo or Alice Nylon Core.... medyo na napa curious ako sa alice nylon core..kasi first time ko makakita sa local market nun..hehehe
Back to top Go down
"H" Kittyback TigerFlames
Sobrang Spammer. Di na nagprapraktis
Sobrang Spammer. Di na nagprapraktis


Posts : 1577
Join date : 28/03/2010
Location : Baguio City

PostSubject: Re: Was it the Strings or the Violin?   Wed Sep 28, 2011 9:43 pm

Basta Synthetic core.. OK lang.. Kung aling brand ka mas makakamura, dun ka nalang kumuha..
Back to top Go down
baroqueviolin
Sobrang Spammer. Di na nagprapraktis
Sobrang Spammer. Di na nagprapraktis
avatar

Posts : 1970
Join date : 27/03/2010
Location : San Pedro, Laguna

PostSubject: Re: Was it the Strings or the Violin?   Thu Sep 29, 2011 4:43 am

Ingat Clive... kung naharabas na yung Nut ng Violin mo .... baka malagutan ka lang kaagad ng A or E ....

Pero mura na yung 2k na Vision !!!!
Back to top Go down
https://www.youtube.com/user/PeriodinstrumentfaN
Clive
Bachendorff
Bachendorff
avatar

Posts : 48
Join date : 19/09/2011
Age : 29
Location : SJDM Bulacan

PostSubject: Re: Was it the Strings or the Violin?   Thu Sep 29, 2011 8:47 am

@baroqueviolin

kaya nga gusto ko syang bilin eh...2k lang..sayang eh..hehe
kahit tabi ko lang..hehe ikaw trip mo? bilin ko tapos benta ko sayo..hehe ng hihinayang ako last stock nila..

totoo... lagi akong na lalagutan ng A string.... siguro favorite string ko yun pag nag pa-play..

iniisip ko kung ano na gagawin ko sa nut ko..kung papagawa or bili ng bagong violin..hehe..baka kasi sobrang mahal ng pagawa na mas ok nang bumili ng new one..
Back to top Go down
baroqueviolin
Sobrang Spammer. Di na nagprapraktis
Sobrang Spammer. Di na nagprapraktis
avatar

Posts : 1970
Join date : 27/03/2010
Location : San Pedro, Laguna

PostSubject: Re: Was it the Strings or the Violin?   Tue Oct 04, 2011 12:32 am

Mura lang yan ... ^_~



pag bibili ka ng bago = back to zero .... remember ang violin (handcrafted man o hondi) mas gumaganda pag gamit na.... ^_~
Back to top Go down
https://www.youtube.com/user/PeriodinstrumentfaN
Clive
Bachendorff
Bachendorff
avatar

Posts : 48
Join date : 19/09/2011
Age : 29
Location : SJDM Bulacan

PostSubject: Re: Was it the Strings or the Violin?   Tue Oct 04, 2011 7:41 am

yup..back to egg ulit ... hmm..i guess papaayos ko nalang to tapos bibili parin ako ng bago..wahahaha..

yita brand next target :)
Back to top Go down
Sponsored content




PostSubject: Re: Was it the Strings or the Violin?   

Back to top Go down
 

Was it the Strings or the Violin?

View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Pinoy Violinists :: Luthier's Corner :: General Violin Discussion-