IMO
1st ang karamihan gusto ng prestige kaya na o-override na ang common sense & rationality, dahil sinabi na gawa ni [insert luthier name] may confidence kaagad na iyun ang gusto nila at napakaganda ng tunog para sa kanila. and to some point dito pumapasok ang "Placebo" at talagang napapaganda nila ang tunog ng instrumento. just a wonder of human nature.
2nd kahit maganda talaga ang isang instrument pero hinde kilala ang luthier at hinde type ng bumili, hinde ito magigiging effective para sa kanya. unless na magigiging rational ang approach at tanggapin niya na walang prestige ang instrument, doon lang niya mapapakinabangan ng husto ito.
Kagaya ng sabi ni Marc398 "instinct" ung inner gut feelings mo ang magsasabi kung kaya mo nga bang mapakanta ang instrumento na ito. kumbaga, ikaw ay skeptical at hinde sa salita o perception ng iba ikaw susunod, wala kang pakialam kung sino ang luthier o saan nanggaling, "See, feel and listen" dapat ang approach mo sa instrument. in short: Tayo mga musikero ang sumasabay sa ating instrumento at hinde ung kabaliktaraan :D
kung hinde mo alam kung ano ang tunog na hinahanap mo sa isang instrumento... walang makakapagsabi sa iyo kung ano ang gusto mo.
Kaya sa mga beginner talagang kailangan nila ng mentor muna, na magpapakita sa kanila kung paano magpakanta ng kanilang instruments kahit ito ay saksakan ng pangit. Ako binabalikan ko ung chinese hofner ko, kahit papaano ngayon wala na gustong hagisan ako ng tsinelas dahil sa sakit ng tunog na ginagawa ko noon he he he.