Home  Search  Register  Log in  

Share | 
 

 Ang hirap maging violinist ng walang suporta (kwentuhan lang)

View previous topic View next topic Go down 
Go to page : 1, 2  Next
AuthorMessage
jcthejesusfreak
Cremona
Cremona
avatar

Posts : 30
Join date : 24/01/2011
Age : 32
Location : Santa Rosa City, Laguna

PostSubject: Ang hirap maging violinist ng walang suporta (kwentuhan lang)   Wed Jan 26, 2011 12:40 pm

Haha. Ang gastos kasi maging violinist. Ang binili lang ng magulang ko sakin isang cheap na violin galing quiapo na ginagamit ko for 9 years na. Hindi rin ako makapag-lessons kasi ayaw ng magulang ko gumastos for it. Lately lang ako nakapag-lessons kasi nagbigay ng pera yung tito ko bago sya mamatay. Nasasayangan ako sa panahon at sa opportunity na makapag-audition sana sa mga Conservatory dahil hindi sapat ang aking kaalaman. Buti na lang may friend ako na nag-offer ng murang lessons. Pero after ng 12 sessions di ko na ulit alam kung saan ako kukuha ng pambayad ulet. Haha. I really love music and I love playing the violin. Alam ko maraming nakaka-relate, kaya pengeng encouragements tsaka ipag-pray nyo na din ako. Haha




Appreciate ko yung magpo-post ng encouragement. Hehe. May libreng hug. Hahaha


Last edited by jcthejesusfreak on Wed Jan 26, 2011 1:13 pm; edited 1 time in total

Back to top Go down
jcthejesusfreak
Cremona
Cremona
avatar

Posts : 30
Join date : 24/01/2011
Age : 32
Location : Santa Rosa City, Laguna

PostSubject: Re: Ang hirap maging violinist ng walang suporta (kwentuhan lang)   Wed Jan 26, 2011 1:00 pm

Hindi bawal mag-encourage. Haha

Back to top Go down
Halimaw_Sa_Banga
Bachendorff
Bachendorff
avatar

Posts : 195
Join date : 05/01/2011
Location : Hall of Frozen Hours, Manila

PostSubject: Re: Ang hirap maging violinist ng walang suporta (kwentuhan lang)   Wed Jan 26, 2011 4:06 pm

I understand this too well. Medyo lucky ka pa kasi ibinili ka at least ng violin. Eh ako kulang na lang maglupasay ako at magsumbong sa DSWD wiz ako pansinin ng parientes ko. Mahal kasi ang instrument at lessons. Plus hindi yata maganda ang memories ng mother ko bilang anak ng isang biyulinista, kaya wala siyang ka-amor-amor sa classical music.

Parang 22 na yata ako nung mag-start talaga ako mag-aral. Nagawa ko lang kasi may trabaho na ako. Pero sikreto pa rin yun nung una. Napilitan nang umamin kasi naoperahan ako at kinailangan ko ipaalam na mawawala ako sa St. Paul ng 1 month. Nanay ko ang tumawag. Siyempre napagalitan ako, sayang pera, etc, etc. Pero hindi naman ako nagpapigil. Nung naka-recover ako bumalik ako. Months after nakabili na ako ng sarili kong violin. Cheap siya, as in 1800 lang. Lahat sariling sikap.

I think malaking bagay para sa atin ang dedication at determination. Na kahit gurang na tayo ipagpapatuloy natin ang musical ambitions natin. Wala akong masyadong matayog na pangarap sa music ko, pero dahil mahal ko ito, kahit medyo nasa old side na ako, mag-aaral ako, pipilitin ko pa rin.

I wish you luck, mate :) At least me mga katoto ka na online na pareho ang sentimyento sa iyo. Nung nagsisimula ako, wala pa ito, kaya talagang solo flight ka.
Back to top Go down
pendongpish
Bachendorff
Bachendorff
avatar

Posts : 69
Join date : 23/12/2010
Age : 27
Location : Bacoor, Cavite

PostSubject: Re: Ang hirap maging violinist ng walang suporta (kwentuhan lang)   Wed Jan 26, 2011 4:40 pm

I feel you bro, HS pa ako nung ma inlove ako sa violin... lahat nga ng marinig kong kanta na may tunog ng violin sa kwarto ko e sinasabayan ko pa noon ng 'air violin' minsan nga e, hindi ko namalayan na binuksan na pala yung pinto, nag tawag na pala yung nanay ko ng mga kasama sabay sabing "tignan nyo kuya niyo o, parang baliw"

so ayun akala ko bilang mga magulang e susuportahan nila yung mga gusto mo sa buhay, pero ayun 6 years ko din silang pinilit na ibili ako ng violin pero maasar ka lang sa mga rason nilang ibibigay sayo, sample? eto yung iba:

"pang babae lang yung violin, magdrums o gitara ka na lang"

"bilisan mo mag-aral para pag-may trabaho ka na, ikaw na bumili ng violin mo"

"baka hindi ka mag-aral"

so ayun, nagstick na lang ako sa 'air violin' ko at pahimas himas sa mga violin ng kakilala ko. isip kasi ng parents ko, anything but studies is not necessary therefore has no value, parang ganun...

ngayon nakadalawang course na ako sa college (shiftee) e ngayon pa lang ako nagkaviolin, at sariling ipon ko pa. at dahil hindi na ako chikiting nagdemand ako sa tatay ko na i-enroll nya ako sa violin lessons dahil matataas naman ang grade ko at malapit na birthday ko.

nabwisit lang ako nung marinig ko mula sa kanila nung tinignan (tingin lang kasi hindi ko pinapahawak kahit kanino dito sa bahay) nila yung violin na binili ko,

sabi nila "matagal na niya yang inaasam-asam"

naisip ko, WHAT THE HELL, alam pala nilang matagal ko ng gusto yun at.... arrghh.
hindi naman kami mayaman nor below poverty line pero i know they can afford me one anytime, hindi naman sa demanding ako pero i never asked anything that hard from them except that violin, i even asked for a violin when they wanted me to have my first cellphone (3rd yr HS lang ako nagka cellphone hehe...)

so kung iisipin mo, maswerte ka at binilhan ka pa ng violin. though they won't support it at least they helped you get a head start, but me? i needed to slap my course cards in my dad's face just to get what i wanted from HS.

in the end, tayo lang din ang magpupush sa sarili natin para tumugtog ng pinakamamahal nating bayulin

keep playing! and wag mong hahayaan ang kawalan lang ng suporta ang pipigil sayo tumugtog!

Back to top Go down
Halimaw_Sa_Banga
Bachendorff
Bachendorff
avatar

Posts : 195
Join date : 05/01/2011
Location : Hall of Frozen Hours, Manila

PostSubject: Re: Ang hirap maging violinist ng walang suporta (kwentuhan lang)   Wed Jan 26, 2011 4:48 pm

@pendongpish "air violin"

^You sir just won an internet -approves-

Ginagawa ko pa rin yan hanggang ngayon. :D
Back to top Go down
pendongpish
Bachendorff
Bachendorff
avatar

Posts : 69
Join date : 23/12/2010
Age : 27
Location : Bacoor, Cavite

PostSubject: Re: Ang hirap maging violinist ng walang suporta (kwentuhan lang)   Wed Jan 26, 2011 5:06 pm

amrita_sama: APIR!!!! ako din hanggang ngaun ginagawa ko pa! hahaha!
Back to top Go down
T@l Blaiser
Bachendorff
Bachendorff
avatar

Posts : 476
Join date : 31/10/2010
Location : Sampaloc, Philippines

PostSubject: Re: Ang hirap maging violinist ng walang suporta (kwentuhan lang)   Wed Jan 26, 2011 6:19 pm

Hmmmmm may violin ka na, halos wala ka nang problema, dedication at oras na lang ang kailangan mo ibuhos. Ung instructor ko naka Parrot lang ung violin niya pero napakinabangan niya ng husto. hangang ngayon iyun ang gamit niya sa lesson namin.

Ako ang bumili ng unang violin ko na cremona[2200petot] talagang inantay ko ung 50% off nang JB at dala dala ko pa ung diyaryo para e confirm sila na makukuha ko ung cut off na iyun. high school lamang ako noong 1996, nagtitinda lang ako noon ng portraiture at kahit hinde ganun ka ganda ang gawa ko talagang tsinaga ko + gumagawa ako ng mga errands sa mga tiyahin & tiyuhin ko para kumita. marami ka pang puwede pagkakitahan, dumiskarte ka lang.

Puwede bumagsak ang pera galing langit, pero huwag ito ang asahan. magbanat buto habang nag aantay biyaya.
Back to top Go down
http://tal-blaiser.deviantart.com/
jcthejesusfreak
Cremona
Cremona
avatar

Posts : 30
Join date : 24/01/2011
Age : 32
Location : Santa Rosa City, Laguna

PostSubject: Re: Ang hirap maging violinist ng walang suporta (kwentuhan lang)   Wed Jan 26, 2011 6:40 pm

Haha. Thanks guys sa encouragements. Na-appreciate ko. Hindi ako nag-air violin pero nag-air conductor ako. Hahaha. Nahuli ako ng nanay ko. Naawa siguro kaya ako binili. Haha
Back to top Go down
RAd
Höfner *Adik magpost*
Höfner *Adik magpost*
avatar

Posts : 568
Join date : 05/06/2010

PostSubject: Re: Ang hirap maging violinist ng walang suporta (kwentuhan lang)   Wed Jan 26, 2011 7:08 pm

JC, since may instrument ka na and ang problem mo (and almost everybody else) is mostly financial, eto ang isang masasabi ko tungkol diyan. You have to give something(s) up. Ako, di na masyado mahilig manood ng sine dahil mahal ang ticket, pamasahe at pagkain. Ang perang pang-sine, iipon na lang para sa music related expenses. And yung panahon na pampanood ng sine, i-practice na lang din. Nanonood din ako ng sine once in a while pero pili na yung panonood ko and I try to watch those na mukhang promising ang film score since na-inspire akong mag-practice after nun.

On the other hand, madalas mag-meet ang PV to watch concerts, hang out, jam, etc. Medyo magastos at time consuming pero dun nila na-feel yung enjoyment of playing music. Marami ring natututunan since those na mas advanced yung skills don't hesitate to teach those who are still learning. Minsan, may pro pang nakakasama and nagbibigay din ng pointers. At the end of the day, pagod ka man, gaganahan kang mag-practice dahil na-inspire ka and most of all, you enjoyed the experience.

One of my favorite lines is from the song Happiness and it says: "Happiness is singing together when day is through. And happiness is those who sing with you." That is how I sum up PV. Different fields of work/study, different faiths and beliefs, different socio-economic backgrounds pero they are bound together by music.

I hope that this somehow encouraged you, JC. :D

Back to top Go down
danica
Bachendorff
Bachendorff
avatar

Posts : 99
Join date : 22/06/2010
Age : 26
Location : silay city negros occidental philippines

PostSubject: Re: Ang hirap maging violinist ng walang suporta (kwentuhan lang)   Wed Jan 26, 2011 7:41 pm

pareho pala tau na sitwasyon binilyan rin ako ng magulang ko 2k na violin
m ag sumikap kalng sa practice muh tapos ipon ka bang bili ng bagong violin... nood ka nalng sa you tube ng lesoon.....
Back to top Go down
baroqueviolin
Sobrang Spammer. Di na nagprapraktis
Sobrang Spammer. Di na nagprapraktis
avatar

Posts : 1970
Join date : 27/03/2010
Location : San Pedro, Laguna

PostSubject: Re: Ang hirap maging violinist ng walang suporta (kwentuhan lang)   Thu Jan 27, 2011 12:38 am

Uy maganda tong Thread mo !!!....

Pesimist kasi ako... and i still am ....

1995, 1st year HighSchool... sabi nung principal namen "Sino gusto magViolin for their ECA ?"
Taasan kami ng kamay. THen sabi nya "But you have to pay for your own instrument." Babaan kami ng mga kamay. Ansaya diba ???? :)))

Alam ko rin naman na walang pera si Nanay so di na ako nagpumilit at nangulit pa.

2003, "broken promise" pero di naman ako bitter. Sabi lng kasi sakin ng mga Oldies dito bibilhan ako ng Violin. Kaso alam ko malabo yun. So nung Pasko ng 2004 ayun may SALE sa JB Music Park Square sa Glorietta kaya ayun... bumili kagad ako.

Buti nalang may sweldo na ako sa work. Pero hindi sapat para magka-Hand Crafted.

Don't worry, di ka nagiisa.... kaya nga may PV.com ..... para matulungan ka sa mga kailangan mow sa pagbabayulin... ^_^

Back to top Go down
https://www.youtube.com/user/PeriodinstrumentfaN
baroqueviolin
Sobrang Spammer. Di na nagprapraktis
Sobrang Spammer. Di na nagprapraktis
avatar

Posts : 1970
Join date : 27/03/2010
Location : San Pedro, Laguna

PostSubject: Re: Ang hirap maging violinist ng walang suporta (kwentuhan lang)   Thu Jan 27, 2011 12:48 am

ok... bitter pala ako.... hahaha.... naaalala ko may lumang thread dito ng mga "Childhood frustrations and heartbreaks".... hahahaha.....


Maaaring kontra to sa beliefs nyo pero i find that Bitterness can also make you do great things !!!! ;-)
Back to top Go down
https://www.youtube.com/user/PeriodinstrumentfaN
Fox
Bachendorff
Bachendorff
avatar

Posts : 201
Join date : 16/01/2011
Age : 27
Location : Malabon City

PostSubject: Re: Ang hirap maging violinist ng walang suporta (kwentuhan lang)   Thu Jan 27, 2011 1:52 am

^Baroque
haha LoL

@Jc

hindi mo naman po kailangan humingi ng supporta sa parents or kung kanino man basta passion mo to. you didnt play the violin for them but for your self, to think na ang lesson ko coming from the net/book or even fellow PVees na pwede magspend ng time to teach me. Self sacrifice nalang din siguro kagaya sabe ni Baroque dahil in the end its a Self Rewarding naman din para sayo ito.

hehe yan ang encourgement ko for my self. i always think this way if ever i need something to support my rain.
Back to top Go down
jcthejesusfreak
Cremona
Cremona
avatar

Posts : 30
Join date : 24/01/2011
Age : 32
Location : Santa Rosa City, Laguna

PostSubject: Re: Ang hirap maging violinist ng walang suporta (kwentuhan lang)   Thu Jan 27, 2011 1:08 pm

Hey guys thanks for the encouragement. Hehe. I forgot to mention, gusto ko kasi talaga mag-BM sa violin (Either UP or UST). Eh hindi naman ako makakapasa sa UP ng di ko alam yung isa sa violin concerto ni Mozart, Bach, or Haydn with Cadenza tsaka ng di ko saulo yung mga scales or arpeggios (3 octaves). Haha. Ewan ko lang sa UST. Hehe. Sana nga makakuha ako ng scholarship eh. Sawa na ako sa ComSci, wala naman pinatutunguhan. Music talaga ang gusto ko...
Back to top Go down
baroqueviolin
Sobrang Spammer. Di na nagprapraktis
Sobrang Spammer. Di na nagprapraktis
avatar

Posts : 1970
Join date : 27/03/2010
Location : San Pedro, Laguna

PostSubject: Re: Ang hirap maging violinist ng walang suporta (kwentuhan lang)   Thu Jan 27, 2011 3:34 pm

@jc

try looking for a teacher there in sta. rosa... para may basic techniques ka na na matutunan.... ^_^
Back to top Go down
https://www.youtube.com/user/PeriodinstrumentfaN
jcthejesusfreak
Cremona
Cremona
avatar

Posts : 30
Join date : 24/01/2011
Age : 32
Location : Santa Rosa City, Laguna

PostSubject: Re: Ang hirap maging violinist ng walang suporta (kwentuhan lang)   Thu Jan 27, 2011 6:49 pm

@baroqueviolin

OK pa naman po ako sa ngayun, teacher ko po si ElleCee ngayun. Haha. May 10 sessions pa naman kami na natitira. :D Anlayu nga lang sa Sampaloc pa. Bongga ang pamasahe. Haha

Back to top Go down
pinoyviolinists
Admin
Admin


Posts : 761
Join date : 27/03/2010
Age : 33

PostSubject: Re: Ang hirap maging violinist ng walang suporta (kwentuhan lang)   Thu Jan 27, 2011 7:55 pm

What do you mean walang patutunguhan? ComSci? Or I misunderstood your phrase?
Back to top Go down
http://pinoyviolinist.forumtl.com
T@l Blaiser
Bachendorff
Bachendorff
avatar

Posts : 476
Join date : 31/10/2010
Location : Sampaloc, Philippines

PostSubject: Re: Ang hirap maging violinist ng walang suporta (kwentuhan lang)   Thu Jan 27, 2011 10:44 pm

jcthejesusfreak wrote:
Sawa na ako sa ComSci, wala naman pinatutunguhan. Music talaga ang gusto ko...

Ano? So hinde mo mapakinabangan ang pagigiging comsci, iyun ba ang ibig mong sabihin? Maganda na meron ka sasandalan na stable work bago mo e pursue ang music career.

Ako gusto ko mag fine arts, at pumasa ako ng U.S.T/F.E.U/U.P/U.E at P.W.U noon, namimili na lang ako kung saan mas convenient sa akin, pero humadlang ang parents ko, pagdating sa arts, music & literature as a career, malaking sugal ito. Pagisipan mo ng mabuti iyan. gusto mo ba maging "Entertainer"?
Back to top Go down
http://tal-blaiser.deviantart.com/
Absintheus
Lerler Team
Lerler Team
avatar

Posts : 225
Join date : 12/07/2010

PostSubject: Re: Ang hirap maging violinist ng walang suporta (kwentuhan lang)   Thu Jan 27, 2011 11:09 pm

^ hahha napareact si prezzy!!!

Agree ako kay kuya rad. Masaya makibond sa PV kasi lahat kayo nakakarelate sa violin. Walang nakakarelate sakin sa school about sa violin haha!

Maswerte na pala ako na kahit papano me support ako from parents na mag music. Chipangga lang din 1st violin ako, at chipazz pa rin naman ung ngayon haha!!

Alam mo masaya naman magcomsci haha! Pangarap ko dating gumawa ng games. Hindi lang ako marunong sa visual arts =))

At nakakarelate ako sa air-conducting =))!! Though nagcconduct naman ako ng choir sa org so keri lang haha!!

Back to top Go down
pendongpish
Bachendorff
Bachendorff
avatar

Posts : 69
Join date : 23/12/2010
Age : 27
Location : Bacoor, Cavite

PostSubject: Re: Ang hirap maging violinist ng walang suporta (kwentuhan lang)   Fri Jan 28, 2011 1:57 am

para sa akin walang course ang 'walang patutunguhan' nasa tao yan, wala sa course na natapos niya :) j

Back to top Go down
cello02
Cremona
Cremona
avatar

Posts : 29
Join date : 16/12/2010

PostSubject: Re: Ang hirap maging violinist ng walang suporta (kwentuhan lang)   Fri Jan 28, 2011 2:20 am

Ehem.. i had the same experience.. pero di ko na ikukwento hehe..

sa UST ka nalang kung wala ka pa talagang experience sa pag tugtog.. tumatanggap sila

kahit walang alam.. basta may pang bayad tatanggapin ka.. dun ka nalang mag enroll malay

mo mkaging magkaklase tayo kasi dun din ako mageenroll next sem...
Back to top Go down
T@l Blaiser
Bachendorff
Bachendorff
avatar

Posts : 476
Join date : 31/10/2010
Location : Sampaloc, Philippines

PostSubject: Re: Ang hirap maging violinist ng walang suporta (kwentuhan lang)   Fri Jan 28, 2011 4:31 am

pendongpish wrote:
para sa akin walang course ang 'walang patutunguhan' nasa tao yan, wala sa course na natapos niya :) j

Tama ka pagdating sa pagkayod ng pera, basta may degree makakapasok ka ng matinung trabaho. however hinde puwede Engineering ang tinapos sabay medical doctor ang magigiging profession & practice. kaya choose wisely sa pagpili ng course :D
Back to top Go down
http://tal-blaiser.deviantart.com/
jcthejesusfreak
Cremona
Cremona
avatar

Posts : 30
Join date : 24/01/2011
Age : 32
Location : Santa Rosa City, Laguna

PostSubject: Re: Ang hirap maging violinist ng walang suporta (kwentuhan lang)   Fri Jan 28, 2011 1:45 pm

I mean, 7 years na po ako sa ComSci. Galing ako ng UPLB tapus nag-transfer sa Malayan pero di ko pa rin sya matapus-tapos. Di rin naman ako kukuha ng trabaho na pang-ComSci pag-graduate ko. Mag-aaral din ako ulit ng music at magtuturo pag-grad ko. Kaya wala ring kwenta kung magtatapos ako ng CS. Hehe.
Back to top Go down
pinoyviolinists
Admin
Admin


Posts : 761
Join date : 27/03/2010
Age : 33

PostSubject: Re: Ang hirap maging violinist ng walang suporta (kwentuhan lang)   Fri Jan 28, 2011 4:35 pm

@Absinth
ahahaha Siyempre IT ako eh ~___~ tapos taking CS as my 2nd degree. LERLER napareact ako ahahaha

@jc
ahhhhhhh.... hmmppppp.... parang ate ko ayaw nia nursing aun nagaral sia grumaduate sia pumasa ng board. AYUN ngayon Photographer LOL

Back to top Go down
http://pinoyviolinist.forumtl.com
T@l Blaiser
Bachendorff
Bachendorff
avatar

Posts : 476
Join date : 31/10/2010
Location : Sampaloc, Philippines

PostSubject: Re: Ang hirap maging violinist ng walang suporta (kwentuhan lang)   Fri Jan 28, 2011 6:43 pm

jcthejesusfreak wrote:
I mean, 7 years na po ako sa ComSci. Galing ako ng UPLB tapus nag-transfer sa Malayan pero di ko pa rin sya matapus-tapos. Di rin naman ako kukuha ng trabaho na pang-ComSci pag-graduate ko. Mag-aaral din ako ulit ng music at magtuturo pag-grad ko. Kaya wala ring kwenta kung magtatapos ako ng CS. Hehe.

No question asked. talagang alam mo na ang gusto mo sa buhay! kaya GO! GO! GO! GO! Fulfill your dreams & God bless.

Kahit habang nag aaral ka palang puwede ka nang mag sideline bilang "Violin Teacher" na re review ka na nga, kumikita pa

Back to top Go down
http://tal-blaiser.deviantart.com/
ElleCee
Höfner *Adik magpost*
Höfner *Adik magpost*
avatar

Posts : 787
Join date : 27/03/2010
Age : 30
Location : Sta. Ana, Manila

PostSubject: Re: Ang hirap maging violinist ng walang suporta (kwentuhan lang)   Fri Jan 28, 2011 9:19 pm

JC!!!

haha... talagang kailangan mo ng encouragement. Sorry pala ha. Minsan lang tayo mag-meet. I'll free my tuesday na since wala na ako masyadong 'heavy' commitments. Gusto ko rin tuloy tuloy ang lesson dahil fast learner ka naman.

Anyway, di ko pa pala nakwento sayo yung violin life story ko. Siguro sa next tuesday, aagahan ko sa studio para pwede tayo magkwentuhan saka magextend ng lessons. :)

Feel free to ask these people. Mababait at harmless yan. hehe... Most of the people here started really late (than the usual). Ako rin naman, late na rin nagstart. Siguro ang encouragement ko lang sayo, maganda musicality mo and just conitnue your passion. Magkakaroon din ng fruit yan. AT don't forget, tugtog tayo sa pioneer service ha. :) when ka pwede? 2nd week ako 5pm & 7pm. hehe... para masaya. mag-aareglo na lang kami ni jm.

anyway, see you on tuesday... for real. :)
Back to top Go down
http://keystringsmusic.multiply.com
kanjiruminamoto
Höfner *Adik magpost*
Höfner *Adik magpost*
avatar

Posts : 889
Join date : 05/05/2010
Age : 30
Location : makati

PostSubject: Re: Ang hirap maging violinist ng walang suporta (kwentuhan lang)   Fri Jan 28, 2011 9:32 pm

Ahem...

Ako..
nung bata pa ako.. I told my mother that I wanted to learn on how
to play the Violin, I think I am in the age of 8- 10 at that time,
So young diba? maganda daw Kasi maturuan Habang bata pa.
But My mother insists T_T
She said: "Mahal ang Violin! We Can't Afford to buy one!"
my head is down like it's heavy.. heart is like there are stones inside,
and ~Sigh~

Pero, nitong College na ako at the Age of 22
Fortunately I won the Mascot Drawing Contest
that Held in my University "First Prize", so I bought my Very First Violin
from the store that i First saw, Mura lang 2.5k hehe!
and then sunod sunod na after that I found this Forum Site,
una akong nag Reg din sa Pex kasosabi doon sa Pex
Lumipat na at may Link hehe..
Last October I finally had my first Formal Lesson
ahaha!
Narealize ko siguro mas mura pa noon ung Violin
at ung Lesson
Back to top Go down
jagg18
Bachendorff
Bachendorff
avatar

Posts : 260
Join date : 21/04/2010
Age : 29
Location : Project 6, Quezon City

PostSubject: Re: Ang hirap maging violinist ng walang suporta (kwentuhan lang)   Mon Jan 31, 2011 4:19 am

aba. at tumutugtog ka naman pala sa music team. :D
pangarap ko yan. hmm.

ako nga pala si Jerome. CS grad din. advise ko lang. well, tama sila na maganda yung may fallback ka(CS). we can never be too sure. honestly, sayang yung 7 years mo kung di mo tatapusin. :) might as well make something out of the lost time dba? make 'em count. afterwards, go and pursue yung music.

actually mejo similar tayo ng storya. 7yrs old ata ako nung makahiligan ko yung violin. and syempre i asked my parents for one + lessons too. somehow, isinaisantabi ko muna yung violin and kinda forgot about it. although may one time na naka-arrange sila ng agreement sa violin teacher ng dad(another story) to give me lessons for free. birthday gift ko ata to. (bigla kong narealize na nagoyo nila ako nun ah. :))) pero may catch, manghihiram lang ako ng violin dun sa teacher at isosoli after nung lesson mismo, hahaha! in short, no practice at home. tinry ko naman. and umabot ako sa allegreto ata. at oo nga pala, hindi ko alam yung mga tono nung mga tinutugtog ko dati. kasi yung teacher ko e nakaupo lang tapos makikinig. (e kasi nga naman, nasa akin yung violin niya. :))) tapos sinasabihan ako na walang tenga raw. (meron nga ba? hahaha) so tinamad ako. dahil na rin sa laging napapagalitan about sa intonation. 2nd yr hs ata ako nun. 13yo. after nun, nawala na naman sa isip ko ang byolin.

pero eto, finally ngkatrabaho na nung 2009. thanks sa CS, ok naman yung pay. ;) and ayun narekindle yung interest ko. tapos ayun, naglessons na. (although not regular, yet another story) pangarap ko rin mag BM. and i'm doing my best para makahabol at makuha yung required skillset asap. wag ka manghinayang sa missed opportunities (i.e., yung sa conservatory, etc.) there must be a reason kung bakit ka napunta sa comsci@LB. it's all in His plan. naks hehe. ako, i believe na may reason kung bakit ngayon lang ako nabigyan ng chance magviolin, may reason kung bakit ko nakilala si mam liza, si sir sancti, etc. and I believe mag coconnect lahat ito into something greater. excited na ko! :D

Wag kang panghinaan ng loob. Kaya mo yan. And hindi ka naman nagiisa. bukod samin, anjan naman Siya. hingi ka ng maraming maraming strength and perseverance. Don't worry bro, I'll include you in my prayers. Good luck and God bless.

P.S. nabanggit mo rin na mejo magastos mag violin. CS/IT related jobs are competetive with their offers and have high demand too. And I believe that it won't get any lower anytime soon. o diba. =))
Back to top Go down
T@l Blaiser
Bachendorff
Bachendorff
avatar

Posts : 476
Join date : 31/10/2010
Location : Sampaloc, Philippines

PostSubject: Re: Ang hirap maging violinist ng walang suporta (kwentuhan lang)   Mon Jan 31, 2011 5:07 am

jagg18 wrote:
P.S. nabanggit mo rin na mejo magastos mag violin. CS/IT related jobs are competetive with their offers and have high demand too. And I believe that it won't get any lower anytime soon. o diba. =))

He he he maliban pag bigla tayo nabalik sa stone age ^^; Totoo, nasa computer age na tayo, hinde mawawalaan ng opportunity sa computer related jobs. napaka laki ng fields nito :D
Back to top Go down
http://tal-blaiser.deviantart.com/
Shake
Bachendorff
Bachendorff
avatar

Posts : 449
Join date : 12/06/2010
Age : 27
Location : Pampanga

PostSubject: Re: Ang hirap maging violinist ng walang suporta (kwentuhan lang)   Mon Jan 31, 2011 10:46 am

kapag naglelesson ako ng may kasama, nagugutom ako agad.. hahah xD
Back to top Go down
fuyustale
Bachendorff
Bachendorff
avatar

Posts : 64
Join date : 11/01/2011
Age : 30
Location : QC

PostSubject: Re: Ang hirap maging violinist ng walang suporta (kwentuhan lang)   Mon Jan 31, 2011 2:02 pm

jcthejesusfreak wrote:
I mean, 7 years na po ako sa ComSci. Galing ako ng UPLB tapus nag-transfer sa Malayan pero di ko pa rin sya matapus-tapos. Di rin naman ako kukuha ng trabaho na pang-ComSci pag-graduate ko. Mag-aaral din ako ulit ng music at magtuturo pag-grad ko. Kaya wala ring kwenta kung magtatapos ako ng CS. Hehe.


Hmmmm... Kaya pala parang familiar ka. Haha! Sa tingin ko nakita na kita sa LB before.

Anyway, OK lang yan. Ako nga walang teacher talaga. 'Di ko pa afford mag-lessons at ayoko din umasa sa magulang for that kasi ang tanda ko na. Matagal din akong naghintay ah. Nagpabili [read: nagmakaawa] ako sa nanay ko when I was in HS pero gaya ng desire kong maging writer at mag teatro, wala; hindi talaga sya supportive sa ganun or hindi lang showy. Naiintindihan ko sya kasi she wasn't born into a family that appreciates art and music that much. Ngayong nagmamasters na 'ko tsaka ako nakabili, utang pa. Haha! Pero nakita ko sa eyes ni mama nung una akong tumugtog na masaya sya para sakin and that's more than enough for me. This is my dream not my mom's. It doesn't matter if nobody's supporting or encouraging me although it helped me a lot when I let go of my selfish ambitions and set out to worship God with the music that I can make. Suddenly, it wasn't about me anymore but what I could give back to God for all the favors He has given me and all the blessings He has showered me with.

I love playing the violin and worshiping God even with what beginner skills I have. I loved it enough to wait for that moment when I held my very own [secondhand] violin and and still love it enough to wait for that time in the future when I will be able to afford taking lessons.
Back to top Go down
jurusu
Höfner *Adik magpost*
Höfner *Adik magpost*
avatar

Posts : 665
Join date : 03/05/2010

PostSubject: Re: Ang hirap maging violinist ng walang suporta (kwentuhan lang)   Mon Jan 31, 2011 11:04 pm

ako nag violin na after mag grad ng college. para di na ko hihingi ng pang upgrade at pang lessons =).

pasalamat ko na lang at nung grade school ay napag-aral nila ako ng piano kahit na nagtitipid ang familia. =).

Back to top Go down
jantigercat
Bachendorff
Bachendorff
avatar

Posts : 190
Join date : 11/09/2010
Location : Iloilo City

PostSubject: Re: Ang hirap maging violinist ng walang suporta (kwentuhan lang)   Mon Jan 31, 2011 11:07 pm

Sana makakita tayo nang tag iisang mayayamang music patron...

Ako nag papa sipsip sa aking ama para sumoporta sa aking luho: ang byolin. One time I recorded a video of me playing the violin. The piece was Theme and improvisations of the song "Happy Birthday". So far he liked it...sana nga...para mag soften yung heart niya at mabibiyaan ako ng isang set ng Dominants... haha
Back to top Go down
T@l Blaiser
Bachendorff
Bachendorff
avatar

Posts : 476
Join date : 31/10/2010
Location : Sampaloc, Philippines

PostSubject: Re: Ang hirap maging violinist ng walang suporta (kwentuhan lang)   Tue Feb 01, 2011 5:57 am

Shake wrote:
kapag naglelesson ako ng may kasama, nagugutom ako agad.. hahah xD

nakakatakot ka talaga... ano kaya iniisip mo sa kasama mo para magutom ka?

@ Jantigercat: bakit naman tag iisa, kung puwede naman natin paghatian ang mga patron, split natin ang schedule ng TThS at MWF he he he.

EDIT:
Tips: alamin mo ang paborito niyang music, un ang practisin mo at tugtugin sa kanya. :D
Back to top Go down
http://tal-blaiser.deviantart.com/
jantigercat
Bachendorff
Bachendorff
avatar

Posts : 190
Join date : 11/09/2010
Location : Iloilo City

PostSubject: Re: Ang hirap maging violinist ng walang suporta (kwentuhan lang)   Tue Feb 01, 2011 6:10 am

@Tal: Yung paboritong nyang kanta is "My Way" Hehe... Good idea yun.
Back to top Go down
J@pee
Bachendorff
Bachendorff
avatar

Posts : 396
Join date : 28/03/2010

PostSubject: Re: Ang hirap maging violinist ng walang suporta (kwentuhan lang)   Tue Feb 01, 2011 8:16 am

UPLB ka pala so I presume mahusay kang bata then you transferred to Malayan, school of the best engineers (yabang, Mapuan ako eh, hehe). Tapusin mo na lang yan hijo at pag nagkatrabaho ka you can afford all the lessons/instrument/accessories you want. It's difficult to learn when you're older pero kung anjan naman ang passion mo matututo ka rin. In my case gusto ko rin talaga magviolin noon but I realized it too late already and was afraid to take lesson kasi matanda na ko. Pero I got to read Gokongwei's book where one of his regrets in life is that he was not able to learn to play at least one instrument. I don't want to have that regret later in life kasi gusto ko talaga matuto kaya naglesson na ko. Good luck.
Back to top Go down
jcthejesusfreak
Cremona
Cremona
avatar

Posts : 30
Join date : 24/01/2011
Age : 32
Location : Santa Rosa City, Laguna

PostSubject: Re: Ang hirap maging violinist ng walang suporta (kwentuhan lang)   Sun Feb 06, 2011 5:40 pm

Basta mag-audition ako sa UST this April!!! Hahaha
Back to top Go down
T@l Blaiser
Bachendorff
Bachendorff
avatar

Posts : 476
Join date : 31/10/2010
Location : Sampaloc, Philippines

PostSubject: Re: Ang hirap maging violinist ng walang suporta (kwentuhan lang)   Tue Feb 08, 2011 3:24 am

@ JC: galingan mo! pero maganda ang advice ni J@pee, pag may sarili ka nang trabaho, hinde ka na mahihirapan makuha ung mga instruments & lesson na gusto mo... maliban pag nagka pamilya ka kaagad, dahil divided na ang "Attention & expenditure" mo.

Best wishes.
Back to top Go down
http://tal-blaiser.deviantart.com/
pinoyviolinists
Admin
Admin


Posts : 761
Join date : 27/03/2010
Age : 33

PostSubject: Re: Ang hirap maging violinist ng walang suporta (kwentuhan lang)   Tue Feb 08, 2011 7:42 am

T@l Blaiser wrote:
@ JC: galingan mo! pero maganda ang advice ni J@pee, pag may sarili ka nang trabaho, hinde ka na mahihirapan makuha ung mga instruments & lesson na gusto mo... maliban pag nagka pamilya ka kaagad, dahil divided na ang "Attention & expenditure" mo.

Best wishes.

^^ Saka sayang naman ung pagiging scholar ng bayan. ~____~

Back to top Go down
http://pinoyviolinist.forumtl.com
aitco
Cremona
Cremona
avatar

Posts : 32
Join date : 06/12/2010
Location : Malolos City

PostSubject: Re: Ang hirap maging violinist ng walang suporta (kwentuhan lang)   Tue Feb 08, 2011 7:45 am

hi. share ko lang experience ko. i had my first violin lesson when i was in hs. i told my dad that i won't have any grade on PE if he won't buy me a violin (choice between CAT and performing arts sa school namin when you reached 3rd year). kaya ayun napabili sya. haha! after a year i stopped, nagalit ata sakin yung teacher ko kasi di ako nagsummer class. my parents didn't push me to continue, pero di rin naman nagalit nung tumigil ako. now, after 9 years ako'y nagbabalik. deadma pa din sila! i mean, di sila nakikialam sa kung anu gusto ko. kung san ako okay, okay na din sila. but this time, ako na gagastos for all the expenses and maintenance, huhu! but it's fun to be back... i love hearing the sound of a violin...
Back to top Go down
Shake
Bachendorff
Bachendorff
avatar

Posts : 449
Join date : 12/06/2010
Age : 27
Location : Pampanga

PostSubject: Re: Ang hirap maging violinist ng walang suporta (kwentuhan lang)   Tue Feb 08, 2011 9:58 am

@tal - wew. Kasi mas mahaba ang lesson nun pag may kasama ako. kaya nagugutom ako. tsaka enjoy ung Foodtrip! ehehe.. Lalung lalo na sa church pag practice sobrang iniisip pagkain para pahinga. lol xD
Back to top Go down
jcthejesusfreak
Cremona
Cremona
avatar

Posts : 30
Join date : 24/01/2011
Age : 32
Location : Santa Rosa City, Laguna

PostSubject: Re: Ang hirap maging violinist ng walang suporta (kwentuhan lang)   Tue Feb 08, 2011 10:58 pm

Quote :


^^ Saka sayang naman ung pagiging scholar ng bayan. ~____~


Di na po ako Iskolar ng Bayan eh, nag-transfer ako sa Malayan Colleges Laguna nung 2009.
Back to top Go down
luigi-kun
Sobrang Spammer. Di na nagprapraktis
Sobrang Spammer. Di na nagprapraktis
avatar

Posts : 2230
Join date : 01/04/2010
Age : 24
Location : Quezon City, Philippines

PostSubject: Re: Ang hirap maging violinist ng walang suporta (kwentuhan lang)   Wed Feb 09, 2011 7:59 am

jcthejesusfreak wrote:
Basta mag-audition ako sa UST this April!!! Hahaha

wow baka magkita tau sa day na un, hahaha goodluck saten! :D
Back to top Go down
http://www.pinoyviolinist.com/
makalaarni
Bachendorff
Bachendorff
avatar

Posts : 177
Join date : 29/03/2010

PostSubject: Re: Ang hirap maging violinist ng walang suporta (kwentuhan lang)   Tue Feb 15, 2011 11:42 am

nakakarelate naman ako. PArepareho pala tayong bumili ng violin sa JB nung 50% off. hehe. bumili din ako non. college palang ako. kasi nga 50% off sya. bale 1800 ba un or 2000. Kasi nagleleson ako non sa st. scho. nagrent ako ng violin
P250 a month. tapos wla pa syang e string kaya bumili pako. at 3/4 size lang ung available. kaya napabili ako. kaso nung nagkaron nako ng sarili, nagstop nako maglesson kasi ang mahal. at feeling ko di naman sulit ung bayad ko. tapos nahihiya akong ipakita sa mga kamaganak na may violin ako. kaya nasa cabinet lang sya. mga 2 yrs na di ko nilalalbas. kasi alam kong pangit ung tunog dahil di pako marunong. Nagattempt din ako mag BM. piano muna. at natanggap nako sa audition dati. kasi ung violin daw concerto in am dapat. sa st scho un. kaso di ko na tinuloy. kaso enjoy din naman ako sa work ko. although kakapagod at di naman kataasan ang sweldo. Mas gusto ko na ung work ko kesa mag start uli ng new career. Naisip ko un nung nagstart ako ng suzuki. bale ang goal ko nalang ngun e maging book 10. NAisip ko rin kasi hirap din magsaulo ng piece. at kagaya ng work, naprepressure na din ako sa mahihirap na pieces. kaya equal na ang tingin ko sa work ko at sa pagviviolin. both fun, hard and rewarding. at enjoy din ako sa mga ksama ko sa violin at work. at syempre financially, mas stable nga ung work ko. In time, alam ko naman magiging magaling din ako. hehe.
Back to top Go down
cello02
Cremona
Cremona
avatar

Posts : 29
Join date : 16/12/2010

PostSubject: Re: Ang hirap maging violinist ng walang suporta (kwentuhan lang)   Tue Feb 15, 2011 1:26 pm

tama sabay tayo mag audition... dali lang yun... hehe
Back to top Go down
Maiden.Michiru
Cremona
Cremona
avatar

Posts : 36
Join date : 15/02/2011
Location : Manila

PostSubject: Re: Ang hirap maging violinist ng walang suporta (kwentuhan lang)   Tue Feb 15, 2011 4:17 pm

Ngayon pa lang po ako magsisimula matuto ng violin. Dati kasi ayaw ng parents ko bumili kasi raw mahal tapos may lessons pa. So after some years of working, eto prepared na kahit papanu to buy a violin and take some lessons. Though syempre I've to look after pa rin my finances but I'm decided to pursue it now. :)
Motto ko ngaun: I'm 25 years old but still willing/have the desire to learn. ^_^
Back to top Go down
jcthejesusfreak
Cremona
Cremona
avatar

Posts : 30
Join date : 24/01/2011
Age : 32
Location : Santa Rosa City, Laguna

PostSubject: Re: Ang hirap maging violinist ng walang suporta (kwentuhan lang)   Tue Feb 15, 2011 9:08 pm

cello02 wrote:
tama sabay tayo mag audition... dali lang yun... hehe

Wala pa nga akong piece eh. Haha. Meditation from Thais sana kaso mukhang di feasible. Haha
Back to top Go down
cello02
Cremona
Cremona
avatar

Posts : 29
Join date : 16/12/2010

PostSubject: Re: Ang hirap maging violinist ng walang suporta (kwentuhan lang)   Wed Feb 16, 2011 1:02 am

kahit hindi ka pa marunong magviolin pwede ka dun pero may edge ka pag meron kang alam... kunin mo rin yung ina-eye ko na teacher... xa kasi pinaka magaling dun... yaka yan kahit minuet lang tanggap yan,,
Back to top Go down
luigi-kun
Sobrang Spammer. Di na nagprapraktis
Sobrang Spammer. Di na nagprapraktis
avatar

Posts : 2230
Join date : 01/04/2010
Age : 24
Location : Quezon City, Philippines

PostSubject: Re: Ang hirap maging violinist ng walang suporta (kwentuhan lang)   Wed Feb 16, 2011 10:53 pm

jcthejesusfreak wrote:
cello02 wrote:
tama sabay tayo mag audition... dali lang yun... hehe

Wala pa nga akong piece eh. Haha. Meditation from Thais sana kaso mukhang di feasible. Haha

haha. ako din wala pa maisip eh. siguro mag salut d'amour nalangako, wala pa akong second piece, something technical sana para contrast sila. :))
Back to top Go down
http://www.pinoyviolinist.com/
jcthejesusfreak
Cremona
Cremona
avatar

Posts : 30
Join date : 24/01/2011
Age : 32
Location : Santa Rosa City, Laguna

PostSubject: Re: Ang hirap maging violinist ng walang suporta (kwentuhan lang)   Thu Feb 17, 2011 10:10 am

cello02 wrote:
kahit hindi ka pa marunong magviolin pwede ka dun pero may edge ka pag meron kang alam... kunin mo rin yung ina-eye ko na teacher... xa kasi pinaka magaling dun... yaka yan kahit minuet lang tanggap yan,,

What do you mean po na kunin ko yung ina-eye mo na teacher? Hehe.
Back to top Go down
Sponsored content




PostSubject: Re: Ang hirap maging violinist ng walang suporta (kwentuhan lang)   

Back to top Go down
 

Ang hirap maging violinist ng walang suporta (kwentuhan lang)

View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 2Go to page : 1, 2  Next

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Pinoy Violinists :: Fiddler's Lounge :: General Discussion-