Hello PV!
Napapansin ko na pag lumagpas na ng 1 hr nonstop practice, or pag uminit na ung rosin nagigiging sticky na ang buhok sa bow, pumapalupot ito sa mismong strings? kanina lang nga eh napakita ko sa kapatid ko ung pag sabit ng bow hair sa strings, kaso kumalas kaagad bago ko mapikturan.
iniisip ko na ito kaya ang isa sa dahilan kung bakit bigla napapatid ang mga strings habang naglalaro ang violinist? hinde napansin na nagbuhol na pala, pero pinuwersa pa rin ang pag bowing kaya bumigay na ung string?
Ano kaya ang magagawa dito? alanga naman itigil na sa pag play? o lipat ng bow... kaso magigiging inconsistent ang sound production mo tuwing mag papalit ng bow.