Home  Search  Register  Log in  

Share | 
 

 How Big is your Ambition?

View previous topic View next topic Go down 
Go to page : 1, 2  Next
AuthorMessage
T@l Blaiser
Bachendorff
Bachendorff
avatar

Posts : 476
Join date : 31/10/2010
Location : Sampaloc, Philippines

PostSubject: How Big is your Ambition?   Sun Feb 13, 2011 7:02 am

Hello PV!

Well this has got nothing to do with career, but of personal gratification.

Naalala ko nang teenager pa lang ako, may mga mga mas nakakabata sa akin na nag aaral ng piano, sabay bigla na lang tumitigil sa pag take ng lessons? Pag tinanong ko sila kung bakit, "Eh kuya, kaya ko na tugtugin un gusto ko na piyesa" O kaya ung mga dati ko na tinuruan mag pinta, bigla na lang mag iiskapu dahil kaya na nilang mag anime!?

Ngayon na nagkikita kami muli, ano na ang narating nila? halos iyun pa rin, meron pa diyan na tuluyan naglaho na ang kakayanan, tapos may lakas pa ng loob magsalita na "Dati kaya ko rin iyan" o " Dati kaya ko gawin ito" nakakapikon talaga makarinig ng ganung salita. Pag niyayaya ko sila bumalik "May pamilya na ako" ang sagot.

Well okay lang maging kontento sa gusto marating na goal, pero hinde kaya nakakapanghinayang lalo na may pagkakataon pa na mas gumaling? bakit dapat bigyan ng limitation ang sarili? dahil iyun lang ba ang kayang abutin?

Kung ako man ay mangingisda, hinde ako makokontento sa dilis, hinde ko man mahuli lahat ng mayroon sa dagat, pero pipilitin ko makahuli ng isang balyena. he he he. impossible? hinde man makuha, pero sigurado malayo ang aking mararating.

So... How Big is your Ambition?

Back to top Go down
http://tal-blaiser.deviantart.com/
luigi-kun
Sobrang Spammer. Di na nagprapraktis
Sobrang Spammer. Di na nagprapraktis
avatar

Posts : 2230
Join date : 01/04/2010
Age : 23
Location : Quezon City, Philippines

PostSubject: Re: How Big is your Ambition?   Sun Feb 13, 2011 2:06 pm

hmm parang mahirap sagutin to. haha

pero cguro pangarap piece ko, ung Tchaikovsky Violin Concerto. pag dumating ang time n un. maaari na akong mamatay. :)) pero kung buhay pa ako nung mga time na un, madali uli ako makakahanap ng bagong goal. kasi para sakin un ang pinaka nakakaencourage sayo to be better and to keep on learning. :) IMHO.
Back to top Go down
http://www.pinoyviolinist.com/
jantigercat
Bachendorff
Bachendorff
avatar

Posts : 190
Join date : 11/09/2010
Location : Iloilo City

PostSubject: Re: How Big is your Ambition?   Sun Feb 13, 2011 2:49 pm

Hindi ko masuskat yung akung ambisyon particularly sa pag tugtog ng byolin. There are days that I could just smash my violin kasi it's too frustrating to run over scales. Lalo na na umiinit ngayon yung panahon. Ang bigat ng pakiramdam magplay ng violin.

Yung dream ko is to play all the Bach Sonatas and Partitas...parang prayer book ito nga mga violinists...haha...

Back to top Go down
T@l Blaiser
Bachendorff
Bachendorff
avatar

Posts : 476
Join date : 31/10/2010
Location : Sampaloc, Philippines

PostSubject: Re: How Big is your Ambition?   Sun Feb 13, 2011 3:27 pm

@ Luigi Kun & Jantigercat: it's nice nga na may ina ambisyon kayo na something BIG at hinde nakontento sa "twinkle, twinkle little star" it keeps us moving forward towards progress. :D

Good point iyang "Frustration" talagang hinde maiiwasan iyan lalo na't mayroon ka gustong abutin na level at wala ka pa doon. pero lahat nakukuha sa tiyaga.

EDIT: iniisip ko, ito kayang "Frustration" ang ini iwasan ng iba kaya nakokontento na kaagad?
Back to top Go down
http://tal-blaiser.deviantart.com/
RAd
Höfner *Adik magpost*
Höfner *Adik magpost*
avatar

Posts : 568
Join date : 05/06/2010

PostSubject: Re: How Big is your Ambition?   Sun Feb 13, 2011 3:45 pm

I remember sometime told me "Wow, you must be good!" when he found out that I was learning a piano concerto. I told him "No, I'm just ambitious. Hahaha!". And sometimes ambition got the better of me since the pieces that I wanted to learn were beyond my skill level. But instead of getting frustated and discouraged, I get motivated instead. Learn "easier" pieces muna and learn more advanced techniques so that I WILL somehow be ready to learn the "pangarap piece".

I never get contented since I discover new pieces and most of the time, my initial reaction is "Oh dear, gusto kong matutunan ito!" So once I learn something, I hop on to the next piece. Pampalawak din sa repertoire so to speak.

Ang frustration ko lang ngayon is with the piano concerto that I mentioned earlier. Gusto kong tugtugin with an orchestra but that would be an expensive venture lalo na kung vanity project lang siya.

Back to top Go down
T@l Blaiser
Bachendorff
Bachendorff
avatar

Posts : 476
Join date : 31/10/2010
Location : Sampaloc, Philippines

PostSubject: Re: How Big is your Ambition?   Mon Feb 14, 2011 8:20 am

@ Ruslan Ad: exactly! malaki kasi ang gustong maabot, malayo at malaki talaga ang mararating pag nag tiyaga :D

Pero hinde nalalayo ang gusto mo, nag uumpisa pa lang ang PV, baka pag tagal magkaroon na rin ito ng sariling hall kung saan puwede mag play ang mga members... Why not?

Nami miss ko tuloy mag piano, pangarap ko rin noong elementary pa ako na one of these days mtutugtog ko ung Piano Concerto ni Sergei Rachmaninoff with orchestra... hinde ko napagyaman iyun, hanggang intro lang, pero hinde pa huli, may kasunod ako na bata sa violin lesson, siya ay nag dual lesson [piano&violin] malamang kakayanin ko rin isingit ito :D

Also hinde ito vanity project. IMO Goal and personal gratification... we need it, para sa akin matabang ang buhay kung meron nga pera, pero hinde naman magawa ang gusto :D
Back to top Go down
http://tal-blaiser.deviantart.com/
pendongpish
Bachendorff
Bachendorff
avatar

Posts : 69
Join date : 23/12/2010
Age : 27
Location : Bacoor, Cavite

PostSubject: Re: How Big is your Ambition?   Mon Feb 14, 2011 9:55 am

isa sa mga pangarap ko ang magplay sa streets ng maynila :) yung tipong random lang, tapos makakakuha ako ng audience na titigil para makinig, wala lang gusto ko lang talaga.. pasikat na din siguro pero pakiramdam ko ibang fulfillment ang makukuha ko dito at makukuha din ng mga makikinig.

isa pang gusto ko e yung sabayan tumugtog yung mga bulag na naggigitara sa streets (yung may Amp at singer na kasama, usually around EDSA taft, City Hall at Pedro Gil nakikita) ayun gusto ko tulungan sila, saka sigurado masaya yun :)

kaya determined ako gumaling, wala pa akong masyadong 'grand' na goal pero i can say na worth naman siguro paghirapan ung gusto ko

Back to top Go down
kanjiruminamoto
Höfner *Adik magpost*
Höfner *Adik magpost*
avatar

Posts : 889
Join date : 05/05/2010
Age : 29
Location : makati

PostSubject: Re: How Big is your Ambition?   Mon Feb 14, 2011 11:11 am

@ Pendong Street Performer or Papansin lan? ahaha! joke!
hihingan ka ng Permit nu! Kaya magpapagawa ka muna ng Permit! XD

<well ako para sa akin immeasureable ang Ambition ko, Lols!
I cannot say it by now next time siguro ahaha!
Back to top Go down
Halimaw_Sa_Banga
Bachendorff
Bachendorff
avatar

Posts : 195
Join date : 05/01/2011
Location : Hall of Frozen Hours, Manila

PostSubject: Re: How Big is your Ambition?   Mon Feb 14, 2011 11:23 am

This is an extremely difficult question for me. I cannot give a categorical answer. Pinag-isipan ko ng husto ang sagot ko dito.

I am ambitious, yet at the same time, I am not.

Marami akong kinailangang talunan na mga challenges para marating ko yung present na kakayahan ko sa pagtugtog, which is not saying much to start with. I couldn't care any less na around 24 na ako nagsimula, handa ko pa ring i-take yung challenges ng pag-master ng violin. At sa mga pinaghirapan ko, hindi ko kayang tanggapin na iiwan ko siya dahil kaya ko nang tugtugin ang "Gavotte", o dahil nakakabasa na ako ng piyesa, o dahil nakakapa ko na by ear ang ilang kanta na gusto ko. Ipokrita ako kung sasabihin ko na hindi ako nangarap na tumugtog na may kasamang orchestra, na mapalakpakan ng audience dahil ang galing ng ginawa ko. Yes. I have ambitions.

But given that I am already of a certain age, I am well-grounded on a few realizations. I am not limiting myself because of my age, pero may mga bagay na akong tinanggap. Hindi ko na hinahangad na makatugtog ng mga monumental na piyesa, gaya ng Violin Concerto ni Tchaikovsky, bilang soloista at least. Pero as part of the orchestra, malamang puwede pa. Schubert's "Der Elkonig" no. But his violin quintet, yes.

The point being, I have reached the point kung saan iba na ang focus ko sa music. I want a few pieces I believe in and closest to my heart, and to play it well. And to satisfy my listeners that I understood the music enough for them to feel what I felt. Wala na akong desire to wow people with technical prowess. I am looking for something deeper.

I do not aspire to be a virtuoso. But I want to be a musician. Towards that goal, I will continue to learn for as long as I physically can. :)

Back to top Go down
banned-by-admin
Bachendorff
Bachendorff
avatar

Posts : 489
Join date : 30/03/2010
Age : 34
Location : Quezon City

PostSubject: Re: How Big is your Ambition?   Mon Feb 14, 2011 12:30 pm

Bigla akong napa-isip. ano nga pala ang totoong goal ko sa pag ba-violin. hmmm
Back to top Go down
http://www.arwinclicks.com/x/
Franco_G
Bachendorff
Bachendorff
avatar

Posts : 43
Join date : 03/05/2010
Location : San Juan City

PostSubject: Re: How Big is your Ambition?   Mon Feb 14, 2011 5:00 pm

Nice thread T@l Blaiser!

Sometimes, I can't relate to musicians since I do not came from a musical family. As in wala sa amin ang marunong tumugtog ng instruments. If meron man, sobrang hindi nila hilig.
Going back to topic, I think the most important thing on getting a talent (not just in violin playing) is having that motivation or drive to go beyond. Sa lahat ng fields hindi lang sa music, may mga tao talaga na mas magagaling kumpara sa iba. I think the biggest factor separating them from the other guys is from their determination and hardwork.

In the end, each and every one of us have different goal as to why we play the violin. Kahit mababa lang ang gusto nating maabot sa pagplaplay ang importante pa rin ay mahilig tayo at nageenjoy sa pagtugtog ng violin.

Ako personally, napakaraming pieces ang gusto kong i-play sa violin.

Sabi nga nila talaga, Ambisyoso ako! Haha!


pendongpish wrote:
isa sa mga pangarap ko ang magplay sa streets ng maynila :) yung tipong random lang, tapos makakakuha ako ng audience na titigil para makinig, wala lang gusto ko lang talaga.. pasikat na din siguro pero pakiramdam ko ibang fulfillment ang makukuha ko dito at makukuha din ng mga makikinig.

isa pang gusto ko e yung sabayan tumugtog yung mga bulag na naggigitara sa streets (yung may Amp at singer na kasama, usually around EDSA taft, City Hall at Pedro Gil nakikita) ayun gusto ko tulungan sila, saka sigurado masaya yun :)

kaya determined ako gumaling, wala pa akong masyadong 'grand' na goal pero i can say na worth naman siguro paghirapan ung gusto ko

Haha ako rin pre!
Back to top Go down
JUSTIN
Höfner *Adik magpost*
Höfner *Adik magpost*
avatar

Posts : 572
Join date : 29/03/2010
Age : 24
Location : Tondo Manila =)

PostSubject: Re: How Big is your Ambition?   Mon Feb 14, 2011 5:10 pm

To be a violin soloist with an orchestra. LOL, sorry sobrang ambition talaga to.

Back to top Go down
blindear

avatar

Posts : 9
Join date : 08/02/2011

PostSubject: Re: How Big is your Ambition?   Mon Feb 14, 2011 6:34 pm

ako magatugtog lang at makaintindi ng music ok na hehe. hindi naman music ang field ko talaga, gusto ko lang matutunan magtugtog ng violin. Technical field ko hehe.. layo 'no?
Back to top Go down
jagg18
Bachendorff
Bachendorff
avatar

Posts : 260
Join date : 21/04/2010
Age : 28
Location : Project 6, Quezon City

PostSubject: Re: How Big is your Ambition?   Mon Feb 14, 2011 7:25 pm

kagabi nagmumuni-muni ako.
habang tumutugtog si justin at ito sa tabi namin ni oli.
na-imagine ko sarili ko na naka coat and tie.
standing near the conductor.
pumapalakpak ang mga tao. standing ovation.
Tchaikovsky Violin Concerto in D Major.

eto ang pangarap ko. maging soloist.

P.S. My ambition is VERY BIG. >:)


Last edited by jagg18 on Mon Feb 14, 2011 7:35 pm; edited 1 time in total

Back to top Go down
jantigercat
Bachendorff
Bachendorff
avatar

Posts : 190
Join date : 11/09/2010
Location : Iloilo City

PostSubject: Re: How Big is your Ambition?   Mon Feb 14, 2011 7:33 pm

Sa mga gustong maging soloist...reach for your dream...don't just reach for the stars...touch them if possible!

:-))

@Tal: Yes, having big goals can really motivate us to overcome the obstacles with playing the violin. Frustration can be a motivating factor to stop and listen and observe. :-))
Back to top Go down
banned-by-admin
Bachendorff
Bachendorff
avatar

Posts : 489
Join date : 30/03/2010
Age : 34
Location : Quezon City

PostSubject: Re: How Big is your Ambition?   Mon Feb 14, 2011 9:16 pm

mga ambisyoso! =))

Back to top Go down
http://www.arwinclicks.com/x/
ElleCee
Höfner *Adik magpost*
Höfner *Adik magpost*
avatar

Posts : 787
Join date : 27/03/2010
Age : 29
Location : Sta. Ana, Manila

PostSubject: Re: How Big is your Ambition?   Mon Feb 14, 2011 9:41 pm

well, I think being ambitious is not bad at all. I started my musical journey and continues it with the same goal and ambition. :)

Siguro ang macocomment ko lang dito, you'll never be ambitious just for personal gratification. I mean, you can't reach an ambitious level if you won't pursue a career with it. Mahir ap naman tumugtog ng Tchaikovsky kung ikaw lang mag-isa at mp3 or YouTube lang ang kasabay. Although may mga taong ganito na kuntento na, but I think most of the students and people I encounter wants to make it big in the industry. For us to have that "BIG" Ambition, we should aim for the career, not just for self gratification. Once you study music as your career, it'll make you think if you're ambition is really for you. Once you indulge yourself and bask with the music you are making, you'll know that there's something deeper than just self-gratification.

Sometimes I feel like I just want to lie down all day. Di na lang ako mag-aaral. Pwede naman ako mag-work na. Pero, the moment I thought about that, I was rebuked. I remembered how I was eager to finish my degree up to the point na ulitin ko ang buong college life ko from scratch.

Para naman masagot ko ang tanong ng thread... (hehe)
My ambition is to travel the world through playing/teaching the violin. I can be a soloist, a chamber group member, an orchestra member, a band violinist or a music teacher. I want to be the best in my field where I can go to places because I am needed there (not in a prideful way, but I want to take hold of what God has given to me and extend it with more people I can meet)

:D Plus, I want to build my own orchestra and they'll play some of my arrangements. weeee... hehe...

Back to top Go down
http://keystringsmusic.multiply.com
banned-by-admin
Bachendorff
Bachendorff
avatar

Posts : 489
Join date : 30/03/2010
Age : 34
Location : Quezon City

PostSubject: Re: How Big is your Ambition?   Mon Feb 14, 2011 9:53 pm

^Tomooohh

Ako naman dalawa ang ambisyon ko, isa ay pang-makasarili at yung isa eh yung may kabuluhan naman and in a way eh makakaapekto sa ibang tao sa mabuting paraan.

Yung makasarili kong ambisyon eh hindi ko na babanggitin ng eksakto, isa syang award na gustong-gusto kong makuha for 10 years na, isa syang title na maididikit ko sa pangalan ko na maglalagay saakin sa ibang level, pero wala syang pakinabang sa ibang tao.

Yung isang ambisyon ko naman na makabuluhan ay maging isang stoyteller ng mga children's book. :>
Back to top Go down
http://www.arwinclicks.com/x/
ElleCee
Höfner *Adik magpost*
Höfner *Adik magpost*
avatar

Posts : 787
Join date : 27/03/2010
Age : 29
Location : Sta. Ana, Manila

PostSubject: Re: How Big is your Ambition?   Mon Feb 14, 2011 10:22 pm

^ haha... Sir Genaro? :) Masaya yun.

wait. OT ako.

para hindi OT, Tama! Ambisyon! Di ba? :))

(labo)

Back to top Go down
http://keystringsmusic.multiply.com
jantigercat
Bachendorff
Bachendorff
avatar

Posts : 190
Join date : 11/09/2010
Location : Iloilo City

PostSubject: Re: How Big is your Ambition?   Tue Feb 15, 2011 6:23 am

banned-by-admin wrote:
mga ambisyoso! =))

Libre naman mag ambisyon... kung may bayad...di na lang! :-))))

Back to top Go down
T@l Blaiser
Bachendorff
Bachendorff
avatar

Posts : 476
Join date : 31/10/2010
Location : Sampaloc, Philippines

PostSubject: Re: How Big is your Ambition?   Tue Feb 15, 2011 8:08 am

Wait lang babalikan ko ung mga iba. :D

@ ElleCee: I like it. ibang point of view and I respect it :D

Okay so, arts, music & literature. IMO/experience pag "career = work" iba na ang level ng frustrations, stress & depressions dito, dahil kailangan mo na ang approval ng masa, and you cannot make everyone happy... also mayroon na rin itong foul play, "nothing wrong, just good business". Ang tanging gratification dito ay ung mayroon ka ng financial stability, what you can ask for more?

Never ko na imagine na magigiging artist ako for a career. pero dito na ako binagsak ng tadhana. pumasok lang ako bilang encoder sa isang company, na biglang nadiskubre at napromote bilang graphic artist.... ne hinde nga ako ng fine arts.
You can't do what you want with your skills, you want to make an apple pie, but the Mass & Conglomerate demands otherwise. Where is the personal gratification? sa pag retirement mo lang malamang magagawa ito.

I love arts, before when it was still in its innocent form. but now as a career, all perspective had changed. I can't look at art the same way as before. ang dami ng stigma.


Back again to gratification :D

I or we aren't music masters, but we spend lots of time and money for learnings and materials, but were not shaped and honed towards career&Job competitions kagaya ng mga nag conservatory o BS Music. so bilang isang "musically educated" lamang, hinde kaya kaya nito i-angat ang kanyang position?

Kagaya ko, beginner pa lang sa violin, pero gusto ko magka master violin kaagad. Ambitious? Yes! pero dahil ung magkaroon ng master violin ang mag ga gratify ng aking cravings, kahit hinde na ako maging virtouso. :D Masaya na ako maging violin teacher siguro, pero hinde ko pinangarap makipag siklaban sa mga ibang violinista, unless na iyun pala ang mag bibigay ng gratification sa akin. kaso "Power Hungry" na ang tingin ko doon, kaya wag na lang. kontento na ako na kaya ko tugtugin ang kaya nila.

So to break it down.

Ang "Goal" mo ang mag bibigay ng gratification sa iyo. kung gaano kalaki ang "Goal" mo gayun din ang ambition mo.

Of course hinde naman iyang sinabi ko ang tama, aking opinion lamang base sa aking pinagdaanan... at iba iba ang ating pinanggalingan. Kaya thank you Ma'm Elle sa iyong pag share. :D
Back to top Go down
http://tal-blaiser.deviantart.com/
T@l Blaiser
Bachendorff
Bachendorff
avatar

Posts : 476
Join date : 31/10/2010
Location : Sampaloc, Philippines

PostSubject: Re: How Big is your Ambition?   Tue Feb 15, 2011 9:22 am

@ pendongpish: magagawa mo iyan basta mag tiyaga at wag maging mahiyain :D

@ Halimaw_Sa_Banga: Wala sa edad iyan :D basta ginusto magagawa mo, kahit akyatin mo ang isang bundok gamit kamay at paa, pag alam mo na nag aantay ang "true love" mo sa may pinaka taas, talagang gagawin mo :D[Corny pero totoo]

@ Franco_G: ano pa ba ang mag bibigay ng " determination and hardwork." sa isang tao? magpapakahirap ba tayo sa isang bagay kung wala naman itong maibibigay na satisfaction and fulfillment? IMO ang driving force ng tao ay God, Necessity and Ambition. iyan ang mag bibigay ng personal gratification.

Mayroon diyan, kontento na na kaya na nilang tumugtog ng "Twinkle, Twinkle" hangaang doon na lang sila. whereas mayroon naman ng nag aambisyon ng impossible, kahit hinde nila maabot, sigurado naman na higit sa "nursery rhyme" ang matutugtog nila :D


@ jagg18. JUSTIN: Thumbs up! mga ambisyoso he he he!

@ blindear: well, pag isipan mo kung ano ang maibibigay na kasiyahan sa iyo ng violin, Hinde ko rin line ang music, pero iba ang kasiyahan na binibigay nito sa akin.... halos kina career ko na nga eh, he he he.
Back to top Go down
http://tal-blaiser.deviantart.com/
kanjiruminamoto
Höfner *Adik magpost*
Höfner *Adik magpost*
avatar

Posts : 889
Join date : 05/05/2010
Age : 29
Location : makati

PostSubject: Re: How Big is your Ambition?   Tue Feb 15, 2011 9:40 am

Ahahahaha! < Kris Aquino Laugh

Kris: Alam mo Boy!?

ahaha! Lols!

XD

Boy! Ang Ambisyon ko is makapunta ako sa Japan hindi lang to Perform
But to be a ReKnowned Animator Doon!

ahaha! Ikaw Talaga Boy! ankulit mo! Ahahaha!

Lols! Natatawa lang ako
Back to top Go down
T@l Blaiser
Bachendorff
Bachendorff
avatar

Posts : 476
Join date : 31/10/2010
Location : Sampaloc, Philippines

PostSubject: Re: How Big is your Ambition?   Tue Feb 15, 2011 9:52 am

jantigercat wrote:
banned-by-admin wrote:
mga ambisyoso! =))

Libre naman mag ambisyon... kung may bayad...di na lang! :-))))

Jan, kung ang ambisyon ko ay makasama si "INSERT IDOL NAME" for one night, I won't miss it for the world, talagang gagastusan ko kekekekekekeke! si John Cena pala ung idol ko no lolz!

kanjiruminamoto wrote:
Boy! Ang Ambisyon ko ...

AAAAAAH! nakakatakot ka *Red Alert!* dyoke lang he he he, Kanji sabihin mo lang at tatanggalin ko kaagad.

Talagang mas ambisyoso ka, sa Japan pa ha!

Back to top Go down
http://tal-blaiser.deviantart.com/
kanjiruminamoto
Höfner *Adik magpost*
Höfner *Adik magpost*
avatar

Posts : 889
Join date : 05/05/2010
Age : 29
Location : makati

PostSubject: Re: How Big is your Ambition?   Tue Feb 15, 2011 10:23 am

Hahaha!
Talagang Ambisyoso ako!
May Magagawa ka?

ahahaha!
Lols! huwag na! At Naisulat mo na

Kasi Nga Tito Boy! ambition is There for us to Set A Goal!
Kung Walang Ambisyon ang Tao, Wala siyang Patutunguhan!

ahahahaha! < Kris Aquino Laugh



Ahaha! Lols!
OT ahahaha!

Ui Ha! Joke lang to! hehehe! ~__~
Back to top Go down
T@l Blaiser
Bachendorff
Bachendorff
avatar

Posts : 476
Join date : 31/10/2010
Location : Sampaloc, Philippines

PostSubject: Re: How Big is your Ambition?   Wed Feb 16, 2011 8:07 am

Uy! "Boy" pala ambisyon mo ha, marami dito sa amin, gusto mo half korean o half Japanese? meron din half american si "Boy Negro" he he he.

Seriously: Yes, maganda na may ambisyon tayo no. kesa umupo na lang at panoorin dumaan ang panahon. hinde tayo kikilos pag wala tayong pinapangarap na abutin :D
Back to top Go down
http://tal-blaiser.deviantart.com/
J@pee
Bachendorff
Bachendorff
avatar

Posts : 396
Join date : 28/03/2010

PostSubject: Re: How Big is your Ambition?   Thu Feb 17, 2011 1:28 pm

To tell you the truth, I do not have high hopes for myself. But I'm trying to push my limits, and see how far I can go.
Back to top Go down
T@l Blaiser
Bachendorff
Bachendorff
avatar

Posts : 476
Join date : 31/10/2010
Location : Sampaloc, Philippines

PostSubject: Re: How Big is your Ambition?   Thu Feb 17, 2011 2:57 pm

J@pee wrote:
To tell you the truth, I do not have high hopes for myself. But I'm trying to push my limits, and see how far I can go.

What are those limits?

POV none who has impossible dreams had reached the goals they had ever wanted, however they are content with what they had achieved along the way. the only regret they have is that they had only one life to live.

Rough excerpt "An artist would need four lives, for them to know exactly what they really wanted to paint" I believe it was said by Diego Rivera[Surrealist painter] and I believe it goes the same for musicians, the limitations one always had is the the moment they deteriorate & expire, but before that, learning is a never-ending & continuous journey. Unless of course, one is stalled by 'Contentment' and decided to move on with other things in life.

Also, once you had seen your limits, what is next? I believe there is something more to it than just to observe "How far you can go" I mean, of all the effort and time you spend with the violin, what kind of fruit do you expect it will bear?

EDIT: Eheheheheh... sorry kung english ang pag ka reply, panay english kasi mga kausap ko na client ngayon ^^;
Back to top Go down
http://tal-blaiser.deviantart.com/
J@pee
Bachendorff
Bachendorff
avatar

Posts : 396
Join date : 28/03/2010

PostSubject: Re: How Big is your Ambition?   Thu Feb 17, 2011 4:35 pm

Hi T@l (we both have @'s)

What kind of fruit? Well, I'd like to be able to play some pieces that I like. But of course it doesn't stop there if time comes I can play them already. Maybe I can learn new pieces pero di ko na muna iniisip yan, di ko pa nga natutugtog yung gusto ko eh, lols.

As for those limits, we all know in learning any skill you start from the easier or not so difficult ones. As you progress further you come to a point where learning becomes more difficult (because of the more difficult lessons), that it seems you're not improving, and that is when I realize I might have reached my limit. But I still practice, thinking I can do it (even though sometimes my hands tell me otherwise), that maybe I can push myself a little more, so that someday I will be able to play the pieces that I like. Yun lang naman. I never wished to become a pro, to become a virtuoso. So you can say I'm not that ambitious. It is for me a form of recreation.

Back to top Go down
T@l Blaiser
Bachendorff
Bachendorff
avatar

Posts : 476
Join date : 31/10/2010
Location : Sampaloc, Philippines

PostSubject: Re: How Big is your Ambition?   Thu Feb 17, 2011 5:33 pm

@ J@pee: he he he baka kasi makapag padala ako ng tagalog eh isipin pa na minumura ko sila ^^;

True ung sinabi mo pag nakaharap tayo ng mahihirap na passage sa pag violin, dahil parang impossible eh kine-question natin agad na kung eto na ba ang ating limitations? pero in the end hinde pala, it's just an obstacle na kailangan natin malusutan.

Why Yes, ako rin hinde ko talaga pinangarap maging professional violinist... pero kahit papaano, sana matugtog ko ung kaya nila he he he ^^; recreation & entertainment ko rin ang violin, it gives me the inner peace and contentment.

...

So far wala pa yata ako dito nakikita na may kakaibang ambition, ung obsess na sa violin, ung talagang "Tycoon" level ang ambition. ^^;
Back to top Go down
http://tal-blaiser.deviantart.com/
Halimaw_Sa_Banga
Bachendorff
Bachendorff
avatar

Posts : 195
Join date : 05/01/2011
Location : Hall of Frozen Hours, Manila

PostSubject: Re: How Big is your Ambition?   Thu Feb 17, 2011 6:43 pm

T@l Blaiser wrote:
So far wala pa yata ako dito nakikita na may kakaibang ambition, ung obsess na sa violin, ung talagang "Tycoon" level ang ambition. ^^;

Haha. Naintriga ako dito T@l. Ano para sa iyo ang "Tycoon" level na ambition? :)

J@pee got what I wanted to say. ^_^

At the moment, na-spur ako ng isang piyesa. Lightyears away pa ang skill ko para matugtog ko yun, pero for that piece, I will force myself to get beyond these paralyzing limits.
Back to top Go down
banned-by-admin
Bachendorff
Bachendorff
avatar

Posts : 489
Join date : 30/03/2010
Age : 34
Location : Quezon City

PostSubject: Re: How Big is your Ambition?   Thu Feb 17, 2011 9:01 pm

Ponder on this..

should you be worthy of your dream or should your dream be worthy of you?
Back to top Go down
http://www.arwinclicks.com/x/
Maiden.Michiru
Cremona
Cremona
avatar

Posts : 36
Join date : 15/02/2011
Location : Manila

PostSubject: Re: How Big is your Ambition?   Thu Feb 17, 2011 10:56 pm

Right now, more of pagtugtog ng gusto ko na piyesa at gusto ko rin makapagpasaya ng mga tao sa tulong ng musika. Naiisip ko nga rin gusto ko mag-perform sa simbahan para maka-encourage ng mga church-goers. Naniniwala ako na may epekto ang musika. :D

Back to top Go down
Halimaw_Sa_Banga
Bachendorff
Bachendorff
avatar

Posts : 195
Join date : 05/01/2011
Location : Hall of Frozen Hours, Manila

PostSubject: Re: How Big is your Ambition?   Fri Feb 18, 2011 1:09 am

banned-by-admin wrote:
Ponder on this..

should you be worthy of your dream or should your dream be worthy of you?

Medyo matagalang pag-iisip to, banned. :)
Back to top Go down
RAd
Höfner *Adik magpost*
Höfner *Adik magpost*
avatar

Posts : 568
Join date : 05/06/2010

PostSubject: Re: How Big is your Ambition?   Fri Feb 18, 2011 1:27 am

@banned by admin

My dream and I are worthy of each other!
Back to top Go down
pinoyviolinists
Admin
Admin


Posts : 761
Join date : 27/03/2010
Age : 33

PostSubject: Re: How Big is your Ambition?   Fri Feb 18, 2011 5:59 am

Basta isa lang masasabi ko, ambisyoso ako pero hindi na masasabi ng iba na mataas ambisyon ko pag nakamit ko.

Pag di ko nakamit saka nalang nila sabihing mataas ambisyon but for now, hangga't nahinga ako, they don't have the right to tell me that.


Dahil hindi rin naten masasagot ang mga bagay bagay kung hindi naten gagawen. Come on Schrödinger's cat


Quote :
should you be worthy of your dream or should your dream be worthy of you?

Spoiler:
 
Back to top Go down
http://pinoyviolinist.forumtl.com
T@l Blaiser
Bachendorff
Bachendorff
avatar

Posts : 476
Join date : 31/10/2010
Location : Sampaloc, Philippines

PostSubject: Re: How Big is your Ambition?   Fri Feb 18, 2011 10:11 am

Halimaw_Sa_Banga: "phenomenal" at "revolutionary" na violinista, talagang malaki ang ambisyon. Kadalasan, ang isang musician ay tumutugtog lang ng mga piyesa na ginawa ng iba... kaya nilang tumogtog ng gawa nila Vivaldi, Paganini o Tartini, pero may nagawa ba sila na sariling piyesa na puwedeng ipang tapat sa mga nauna? That level :D

@ banned-by-admin: Everyone is entitled to their own dreams, and dreams are there for the taking... the question is, how to make this dream into a reality? break a leg & Bust a move! :D

Ayun Oh, sinabi na rin pala ni President he he he!

@ Maiden.Michiru: It is certain that music is powerful thing. Kasi napakabilis ng tao umadjust at maka adapt sa music. Music affects our emotions... mag ingat ka lang kung anong klaseng emotion ang mapapalabas sa audience mo :D

Back to top Go down
http://tal-blaiser.deviantart.com/
Halimaw_Sa_Banga
Bachendorff
Bachendorff
avatar

Posts : 195
Join date : 05/01/2011
Location : Hall of Frozen Hours, Manila

PostSubject: Re: How Big is your Ambition?   Fri Feb 18, 2011 10:48 am

banned-by-admin wrote:
Ponder on this..

should you be worthy of your dream or should your dream be worthy of you?

My take on this:

Everyone is entitled to their dreams. You can go as high as you want on this, and no one is allowed to police your thoughts. But your being "worthy" of your dreams is directly proportional to the hard work you put into seeing that dream through fruition. If anything, no one will stand in your way. Just yourself.

I don't know if that makes any sense. Waiting for the auditors to be done with their job is melting my brain.

Back to top Go down
banned-by-admin
Bachendorff
Bachendorff
avatar

Posts : 489
Join date : 30/03/2010
Age : 34
Location : Quezon City

PostSubject: Re: How Big is your Ambition?   Fri Feb 18, 2011 10:52 am

I disagree prezzy. para saakin, nag eexist na ang dream/ambition matagal na, bago mo pa siya maisip na gawing dream.

kumbaga merong isang smorgasbord ng mga bagay na gustong mangyari at makamit ng isang individual, mag mimix and match na lang sya then nyung next step eh yung process ng achieving your dream.


-----------------


pag ang isang ambition ay nakamit mo na, ambition pa rin ba ang tawag sa kanya?


Back to top Go down
http://www.arwinclicks.com/x/
J@pee
Bachendorff
Bachendorff
avatar

Posts : 396
Join date : 28/03/2010

PostSubject: Re: How Big is your Ambition?   Fri Feb 18, 2011 11:11 am

T@l Blaiser wrote:

So far wala pa yata ako dito nakikita na may kakaibang ambition, ung obsess na sa violin, ung talagang "Tycoon" level ang ambition. ^^;

Maybe if I were younger I would have aspired for greater goals. Kaya lang mejo late ko na napursue ang pagviviolin, and I cannot give all my time to this, too many things need my attention and time now. And let's face it, if you really want to pursue greater goals you have to have more focus, dedication and commitment. Kaya ang goals ko not as big as those who pursued a career in music.
Back to top Go down
Halimaw_Sa_Banga
Bachendorff
Bachendorff
avatar

Posts : 195
Join date : 05/01/2011
Location : Hall of Frozen Hours, Manila

PostSubject: Re: How Big is your Ambition?   Fri Feb 18, 2011 11:17 am

banned-by-admin wrote:
pag ang isang ambition ay nakamit mo na, ambition pa rin ba ang tawag sa kanya?

Uy. Philosophical tayo ngayon :D



Hindi na siguro ambition ang tawag doon, pero parte siya ng larger picture. Maghahangad ka na ng mas mataas, pero naging posible yun dahil na-achieve me yung una mong ambisyon. Level up, ika nga,

-nosebleeds-


Last edited by Halimaw_Sa_Banga on Fri Feb 18, 2011 11:27 am; edited 1 time in total

Back to top Go down
T@l Blaiser
Bachendorff
Bachendorff
avatar

Posts : 476
Join date : 31/10/2010
Location : Sampaloc, Philippines

PostSubject: Re: How Big is your Ambition?   Fri Feb 18, 2011 11:23 am

banned-by-admin wrote:
pag ang isang ambition ay nakamit mo na, ambition pa rin ba ang tawag sa kanya?

Hinde na siguro, IMO achievement, virtue, fulfillment, Nirvana etc... :D
Back to top Go down
http://tal-blaiser.deviantart.com/
T@l Blaiser
Bachendorff
Bachendorff
avatar

Posts : 476
Join date : 31/10/2010
Location : Sampaloc, Philippines

PostSubject: Re: How Big is your Ambition?   Fri Feb 18, 2011 11:33 am

Dagdag: Ang tao ay natural na hinde makontento, they always want for more. most likely ang maliliit na ambisyon ay lumalaki sa bawat tagumpay nila. but since ang karamihan ay may mga important priorities sa buhay nila, nagigiging distant dreams na lang ang kanilang ambitions. at pag may oras na sila, katiting na lang ang natitira sa buhay nila para maabot iyun... you can't have it all ^^;

Ang kinakatakutan ko ay ung pag nag asawa na ako, "Drop Dead" na ang ultimate dreams ko para sa violin. Sabi nga ng Father ko "An artist can only have one mistress" kaya talagang nilalamon ko ang dapat ko matutunan sa violin habang bachelor pa :D
Back to top Go down
http://tal-blaiser.deviantart.com/
Halimaw_Sa_Banga
Bachendorff
Bachendorff
avatar

Posts : 195
Join date : 05/01/2011
Location : Hall of Frozen Hours, Manila

PostSubject: Re: How Big is your Ambition?   Fri Feb 18, 2011 11:39 am

T@l Blaiser wrote:
Ang kinakatakutan ko ay ung pag nag asawa na ako, "Drop Dead" na ang ultimate dreams ko para sa violin. Sabi nga ng Father ko "An artist can only have one mistress" kaya talagang nilalamon ko ang dapat ko matutunan sa violin habang bachelor pa :D

Dude, you should aspire for a partner na hindi ka haharangan sa mga pangarap mo, at ganon ka rin dapat sa kanya. :) Honestly, I will not have anyone who will stop me from going for my dreams.
Back to top Go down
T@l Blaiser
Bachendorff
Bachendorff
avatar

Posts : 476
Join date : 31/10/2010
Location : Sampaloc, Philippines

PostSubject: Re: How Big is your Ambition?   Fri Feb 18, 2011 12:02 pm

Halimaw_Sa_Banga wrote:
Dude, you should aspire for a partner na hindi ka haharangan sa mga pangarap mo, at ganon ka rin dapat sa kanya. :) Honestly, I will not have anyone who will stop me from going for my dreams.

Hinde kita binabanga, just my narrowed opinion.

Hinde puwede, IMO ang real investment sa buhay ay ang spouse & offspring. hindi ito matatapatan ng kahit na anong ambisyon o yaman sa mundo. Aanhin ko ang medals of success, fame & fortune kung hinde naman ako ganun kamahal ng pamilya ko? I pleased others but failed my own family.

Hinde sila ang haharang, ako mismo ang bibitiw sa ambisyon ko. sila na ang pag bubuhusan ng oras at panahon... Corny, but what can a man do? I only have one shot :D
Back to top Go down
http://tal-blaiser.deviantart.com/
Halimaw_Sa_Banga
Bachendorff
Bachendorff
avatar

Posts : 195
Join date : 05/01/2011
Location : Hall of Frozen Hours, Manila

PostSubject: Re: How Big is your Ambition?   Fri Feb 18, 2011 12:06 pm

T@l Blaiser wrote:
Hinde sila ang haharang, ako mismo ang bibitiw sa ambisyon ko. sila na ang pag bubuhusan ng oras at panahon... Corny, but what can a man do? I only have one shot :D

Kanya-kanya yan T@l. :) As long as masaya ka doon yun naman ang mahalaga.
Back to top Go down
banned-by-admin
Bachendorff
Bachendorff
avatar

Posts : 489
Join date : 30/03/2010
Age : 34
Location : Quezon City

PostSubject: Re: How Big is your Ambition?   Fri Feb 18, 2011 12:10 pm

Ako naman I cannot consider my "future family/offspring" as an achievement. Kasi kung ano man ang mangyari sa kanila sa sarili nilang desisyon kung paano sila magiging masaya sa buhay nila, eh buhay na nila yun, di na ako makikielam :)

Kung gusto ko lang patunayan sa sarili ko na kaya ko magpamilya at magkaanak (iprove na hindi baog) =)) eh napakadali lang nun.

-------------------------------------------

Pwede mo bang iconsider ang achievement ng iba na achievement dahil lang na nasasabi mo na masaya sa narating nya? (in a way eh naging bahagi ka)

Back to top Go down
http://www.arwinclicks.com/x/
T@l Blaiser
Bachendorff
Bachendorff
avatar

Posts : 476
Join date : 31/10/2010
Location : Sampaloc, Philippines

PostSubject: Re: How Big is your Ambition?   Fri Feb 18, 2011 12:35 pm

@ Halimaw_Sa_Banga: yup! kanyang kanyang priority sa buhay :D

@ banned-by-admin: Talagang napakadali he he he. Ayaw ko na magsalita ^^;

Siguro sa kanya achievement and success na, pero sa sarili? depende, kung pareho ninyo tinarget maka 2nd place sa competition at nakamit ninyo, yes achievements na, pero kung ikaw pala ay tumatarget ng 1st place, well, failure pa rin iyun. :D

Back to top Go down
http://tal-blaiser.deviantart.com/
banned-by-admin
Bachendorff
Bachendorff
avatar

Posts : 489
Join date : 30/03/2010
Age : 34
Location : Quezon City

PostSubject: Re: How Big is your Ambition?   Fri Feb 18, 2011 2:52 pm

mali pala yung statement ko dapat.

Pwede mo bang iconsider ang achievement ng iba na achievement MO dahil lang na nasasabi mo na masaya sa narating nya? (in a way eh naging bahagi ka)

----------------------------------

Dun naman sa statement ko na "should you be worthy of your dream or should your dream be worthy of you?"

Tingin ko kasi normal na sa tao na isipin palagi na kailangan worthy tayo sa pangarap natin kaya nga ang tendency ay magsumikap para maging worthy tayo. In a way nawawalan tayo ng individuality kasi binabago natin ang sarili natin para sa dream na yun. (minsan in a good way, minsan in a bad way naman)


na try niyo na ba yung minsan tanungin ang pangarap niyo na "karapat dapat ka ba para saakin?"



Back to top Go down
http://www.arwinclicks.com/x/
T@l Blaiser
Bachendorff
Bachendorff
avatar

Posts : 476
Join date : 31/10/2010
Location : Sampaloc, Philippines

PostSubject: Re: How Big is your Ambition?   Fri Feb 18, 2011 6:23 pm

Hmmmm, siguro pag importante at mahalaga sa iyo ung tao na nagtagumpay, yes achievement mo na rin iyun. dahil gusto mo silang umunlad.

[Family samples]Ang aking achievements ay achievements na rin ng parents ko, kasama na rin sila lolo at lola, na tuwing may gumagraduate, napo promote, umu unlad sa amin, nadadagdagan ng dahon ang kanilang "Golden Laurels" kabaliktaran nito pag may hinde magandang nangyari[which talagang nangyayari].

.................

Palalim ng palalim na sa Philosophy he he he. So I will give you my personal account for it:

Ang dreams ay parang mountain top, nandiyan lang at nagaantay kung sino ang makaka abot sa kanya. Hinde ito pihikan. kaso...

Life is beyond our control, the hard cold facts ng reality. I have all the means, gusto ko maging doctor bukas! pero, buhay pa kaya ako mamaya? Consider mo na lang kung ano ang naabot, and keep on climbing while you still can.

But as a Christian POV "seek ye first the kingdom of God and his righteousness, and all these things shall be added unto you. Mathew 6:33" Ngek!? hinde bagay sa akin magsalita ng ganun no ^^;





Back to top Go down
http://tal-blaiser.deviantart.com/
Sponsored content




PostSubject: Re: How Big is your Ambition?   

Back to top Go down
 

How Big is your Ambition?

View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 2Go to page : 1, 2  Next

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Pinoy Violinists :: Fiddler's Lounge :: General Discussion-