Home  Search  Register  Log in  

Share | 
 

 Overcoming Stage Fright

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Halimaw_Sa_Banga
Bachendorff
Bachendorff
avatar

Posts : 195
Join date : 05/01/2011
Location : Hall of Frozen Hours, Manila

PostSubject: Overcoming Stage Fright   Fri Feb 25, 2011 10:11 am

Now you have a violin, you know the skills, you have a piece.

All that's left is take the stage and play.

Nakatugtog na ako in public 3 times. Iba-ibang sitwasyon, iba-ibang audience. Pero iisa ang naramdaman ko. Parang gusto kong sumigaw ng "I'M DONE WITH THIS S***!!!" Sabay karipas ng takbo sa fire exit, kung hindi ka man talaga sumigaw ng "SUNOOOOOG!!!" para ma-cancel yung gig. At naramdaman ko na naman yun kahapon before at during performing. =/ Okay lang kabahan, pero minsan kasi crippling ito. I was able to get through the piece, pero I felt bad na yung mga accents, etc na inaral ko para medyo gumanda yung playing ko hindi ko na na-apply kasi I was so scared, I had to hold the bow tight, otherwise mabibitawan ko ito. So what happened was naging fff ang piece ko. Napuno ni Anna Maria yung venue ng boses niya.

I would just like to ask, especially yung mga semi to pro natin na talagang rumaraket na, what advice can you give to us so we can at least minimize the terror we feel. Input would be appreciated :)
Back to top Go down
Seong_Jin_킴성진
Bachendorff
Bachendorff
avatar

Posts : 51
Join date : 15/02/2011
Location : Las Pinas City

PostSubject: Re: Overcoming Stage Fright   Fri Feb 25, 2011 2:51 pm

I've performed several times na. I am a band member kasi and played in a lot of restaurants, bars, weddings and even casinos. Hehe! Sa experience ko, hindi naman nawawala yung kaba lalo na pag nasa stage kana at maraming nakatuon ang attention sa iyo. Everytime I stand in front or lalo na sa stage lagi akong kinakabahan pero I get the hang of it after a few minutes. Ginagawa kong routine ko na mag sound check(as in mag pe play ako ng several scales) to check the status of the instrument and to see what the audience will say. They usually say good things naman and they don't look like they are gonna eat me. Hehe! So dun palang bini build up ko na yung confidence ko, sa pagtingin ng mga reactions nila then pakikinig sa mga sasabihin nila. May stage fright pa rin ako pero na lessen yun sa paulit ulit na pag perform sa maraming tao. Sa mga ibang performers or gustong magperform. keep on doing it, I mean: tugtog ka lang. Mapapahiya ka at mahihiya ka, that's the truth pero it will build you up para masanay ka. Wag ka matakot mapahiya if it's your first time. Yun kasi nangyari sakin, ilang beses din ako napahiya nung first time ko. Hehe! Share ko lang from my experiences. Cheers! =)
Back to top Go down
T@l Blaiser
Bachendorff
Bachendorff
avatar

Posts : 476
Join date : 31/10/2010
Location : Sampaloc, Philippines

PostSubject: Re: Overcoming Stage Fright   Fri Feb 25, 2011 4:21 pm

I was 12 yata ng sumali na ako ng competition sa Piano[winning piece pa noon ung Fur Elise] well, nakakatakot dahil napakarami ng tao, pero confident ako plus mayabang[gusto mag malaki] I'll give them a show! after that, sinasama na nila ako pag may occasion para mag perform.

Be confident, just do you best at magtiwala ka sa sarili mo. Kahit pangit ang performance mo, be proud of it! dapat ma appreciate mo ang sarili mo, then share it with the world... wag mo isipin kung magugustuhan ba nila o hinde. You are there to enjoy, at pag na enjoy mo na ang pagtugtog, pati sila matutuwa, dahil talagang sincere ang performance mo.
Back to top Go down
http://tal-blaiser.deviantart.com/
kanjiruminamoto
Höfner *Adik magpost*
Höfner *Adik magpost*
avatar

Posts : 889
Join date : 05/05/2010
Age : 30
Location : makati

PostSubject: Re: Overcoming Stage Fright   Fri Feb 25, 2011 5:00 pm

Stage Freight? Di ko na alam yan eh..
ahaha!Joke!

Bali My Teachers sa College Teaches us How to Overcome Stage Freight
at lagi niya Kaming Tinatakot na Kung di namin Gagawin ang ipinapagawa niya
Cinco ang Grades Namin!
Well Effective
Stage Freight is a Defence Mechanism lang nmn ng Utak
sabi ng mga Psychologist
para lang Ma wala or maovercome Ika nga..

Una wag mag isip ng mga pwedeng isipin ng ibang tao Lalu na kung Negative
pangalawa isipin mo nalang na matatapos din Ito Within the Period of Time, pero
Huwag magmadali mateteror ka!
pangatlo Isiping walang Ibang Tao Kundi Ikaw Lang
pang apat Isipin nalng Ganito
PAKI NILA! WALA NMN SILA SA STAGE! or DI NMN NILA KAYA ANG GAGAWIN KO SA STAGE HAHA!
ung ganun?! aahahaha!
well Ate Halimaw sana Makatulong!
Back to top Go down
T@l Blaiser
Bachendorff
Bachendorff
avatar

Posts : 476
Join date : 31/10/2010
Location : Sampaloc, Philippines

PostSubject: Re: Overcoming Stage Fright   Fri Feb 25, 2011 5:05 pm

He he he, ung teacher ko sa piano, sinabi niya sa akin noon "Picture them naked" well effective sa akin, kaya siguro gusto ko humaharap sa tao dahil hinuhubaran sila ng aking mga mata Buwaha ha ha!

Kagaya ng sabi ni Kanji! think positive and use it to your advantage! "PAKI NILA! WALA NMN SILA SA STAGE! or DI NMN NILA KAYA ANG GAGAWIN KO SA STAGE HAHA!"

EDIT: Dapat ikaw ang katatakutan at hinde ung kabaligtaran. kaya pag na sa stage ka, wag ka yuyuko yuko, keep your head up high & snarl hisssss!
Back to top Go down
http://tal-blaiser.deviantart.com/
kanjiruminamoto
Höfner *Adik magpost*
Höfner *Adik magpost*
avatar

Posts : 889
Join date : 05/05/2010
Age : 30
Location : makati

PostSubject: Re: Overcoming Stage Fright   Fri Feb 25, 2011 5:16 pm

Loko Ka T@L
Kasi ang Turo is maging Mayabang pag nasa stage,
at isiping di nila Kaya ang Ginagawa ko
at Mas Pogi/Maganda ako Kaysa sa Kanilang wala sa Stage
at Ito na ang Aking moment to Shine!
Wahahahaha!

Back to top Go down
blackcantabile
Bachendorff
Bachendorff
avatar

Posts : 82
Join date : 29/03/2010
Age : 30
Location : Bataan

PostSubject: Re: Overcoming Stage Fright   Sat Feb 26, 2011 7:43 pm

Hmmm..dati nung college ako as member of the band, hindi ako masyadong kabado kasi you have the support of other members plus the fact na nasa likod ako (drums). Haha! Kaya go lang ng go! Pero nung time na nag-vocals ako, medyo kabado na, buti na lang malakas ang echo..LOL! Pero pagdating sa violin, iba eh..hahaha! kasi super mawawala ka sa timing once na nagka mali ka most especially 'pag solo performances..like kagabi, before ng performance, lumabas muna ko then practice a 'lil bit and breathing exercise..it helps!
Back to top Go down
Fox
Bachendorff
Bachendorff
avatar

Posts : 201
Join date : 16/01/2011
Age : 27
Location : Malabon City

PostSubject: Re: Overcoming Stage Fright   Sun Feb 27, 2011 12:51 am

haha grabe pala mga tao dito, stage fright agad, kayo na! haha ako nga hindi pa nakakatapak sa stage at magplay ng violin ='9 wala lang eksena lang ako dito..

@topic
Always play where there is a lot of people, I REALLY MEAN ALOT!.. haha kaya kapag nilelecture ako ni cello i want sa park para both my violin skill and performance skill will both improve ^^
Back to top Go down
clowreed11
Bachendorff
Bachendorff
avatar

Posts : 191
Join date : 14/10/2010
Location : Cubao, Quezon City

PostSubject: Re: Overcoming Stage Fright   Sun Feb 27, 2011 12:58 am

haha... ako nga wala pa sa stage, nasa maliit na crowd p lng, todo kaba at nginig na eh.... ahahahaha..... kpag nasa stage pa kea??


I have no experience pa sa stage.....
Back to top Go down
T@l Blaiser
Bachendorff
Bachendorff
avatar

Posts : 476
Join date : 31/10/2010
Location : Sampaloc, Philippines

PostSubject: Re: Overcoming Stage Fright   Sun Feb 27, 2011 1:30 am

Yeah! gayahin ninyo si fox, kahit panay open string bowing, hinde nahihiya sa mga tao... as a matter of fact, proud siya sa pag play niya, kahit sumasabit he he he!

Doing great! malayo ang mararating mo niyan.

@ clowreed11: Stage mo ang buong mundo, basta may tao, kaunti man o marami, sila na ang mga audience mo :D
Back to top Go down
http://tal-blaiser.deviantart.com/
Fox
Bachendorff
Bachendorff
avatar

Posts : 201
Join date : 16/01/2011
Age : 27
Location : Malabon City

PostSubject: Re: Overcoming Stage Fright   Sun Feb 27, 2011 5:21 am

@T@L
nilalaglag mo ko sa, ok na sana e, bigla sabe ng mga sabit ko ='p

@Clow
haha who said umiikot lang ang stage sa mataas na platform, kahit saan basta may taong pwede makinig sayo, stage na yun
Back to top Go down
Halimaw_Sa_Banga
Bachendorff
Bachendorff
avatar

Posts : 195
Join date : 05/01/2011
Location : Hall of Frozen Hours, Manila

PostSubject: Re: Overcoming Stage Fright   Sun Feb 27, 2011 7:45 am

Salamat sa mga input ninyo :)

I am still trying to come to grips with being able to play for an audience. I think I can manage kung as a group tutugtog, kasi I played my violin with a band na. Pero iba talaga yung solo ka, nasa entablado, at lahat sila nakatingin sa iyo =/ Jozko.

Nairaos ko naman. Pero yung shaking ng kamay ko. Matindi.

May kaibigan ako na American cellist sabi niya kumakain siya ng saging bago mag perform. May component daw yun na nakakakalma sa kanya. Of course I am not sure kung ganun nga yun, o naging habit na lang niya.
Back to top Go down
clowreed11
Bachendorff
Bachendorff
avatar

Posts : 191
Join date : 14/10/2010
Location : Cubao, Quezon City

PostSubject: Re: Overcoming Stage Fright   Sun Feb 27, 2011 1:54 pm

TAMA.... NDI MAIWASAN UNG SHAKING NG KAMAY.... SOBRA.....
Back to top Go down
jantigercat
Bachendorff
Bachendorff
avatar

Posts : 190
Join date : 11/09/2010
Location : Iloilo City

PostSubject: Re: Overcoming Stage Fright   Sun Feb 27, 2011 2:18 pm

Halimaw_Sa_Banga wrote:


May kaibigan ako na American cellist sabi niya kumakain siya ng saging bago mag perform. May component daw yun na nakakakalma sa kanya. Of course I am not sure kung ganun nga yun, o naging habit na lang niya.

Yung component sa saging is called serotonin. Fresh milk has it too.

Nerbyoso talaga ako basta sa mga performances. Kung sa pagkanta ok lang kasi yung singing voice ko is ala operatic so there is power and control in it.

Sa pag play naman ng violin...hay there are time nga parang ngo ngo yung tone ko kasi nanginginig yung bow arm...grrr...

Back to top Go down
beenie
Bachendorff
Bachendorff
avatar

Posts : 43
Join date : 30/03/2010

PostSubject: Re: Overcoming Stage Fright   Sun Feb 27, 2011 3:16 pm

I think ok lang ang medyo kabado basta alert ang utak. Nagperform ako once na klamado ako pero hindi alert ang utak ko. Sa kalagitnaan ng piece, nakalimutan ko tuloy kung ano yung susunod. LOL! Dinadaan ko na lang sa ngiti at tinuloy ang tugtog as if walang nangyari.
Back to top Go down
T@l Blaiser
Bachendorff
Bachendorff
avatar

Posts : 476
Join date : 31/10/2010
Location : Sampaloc, Philippines

PostSubject: Re: Overcoming Stage Fright   Sun Feb 27, 2011 3:36 pm

Fox wrote:
@T@L
nilalaglag mo ko sa, ok na sana e, bigla sabe ng mga sabit ko ='p

Ikaw naman o, okay lang iyun, kahit professional sumasabit[intonation, count/rhythm, missed note or extra note] pero the show goes on, kapwa mo lang violinist ang makakapansin pag sumabit ka. tamang attitude un "ignore and move on" basta huwag ka hihinto sa pagtugtog, okay ang performance mo. :D

EDIT: Kung ikaw ung nasa hot seat/ solo.
# 1 weapon: sa pagsabit ay ung "Poker Face" - wag mo ipapa alam na nagkamali ka, walang simangot or "tsk! tsk!"
# 2 Weapon: improvise & keep on with the pace - Wag titigil sa pag tugtog, pag nawala, mag imbento ng nota hanggang makahabol.
# 3 weapon: "Explanation" - it is part of the show and it is my style... plus everyone is happy he he he he! hinde lang nga ito u ubra sa mga experienced musicians & critics.
Back to top Go down
http://tal-blaiser.deviantart.com/
"H" Kittyback TigerFlames
Sobrang Spammer. Di na nagprapraktis
Sobrang Spammer. Di na nagprapraktis


Posts : 1577
Join date : 28/03/2010
Location : Baguio City

PostSubject: Re: Overcoming Stage Fright   Tue Mar 01, 2011 1:08 am

To Overcome stage freight, Dont look at people's eyes.. Look at the lights and the heads of the audience..

But before that, perform your piece/s first in front of people you are comfortable playing to.. (i.e Parents, siblings, cousins, friends, neighbors, pets, stuff toys.. hehehe kidding)
Back to top Go down
Halimaw_Sa_Banga
Bachendorff
Bachendorff
avatar

Posts : 195
Join date : 05/01/2011
Location : Hall of Frozen Hours, Manila

PostSubject: Re: Overcoming Stage Fright   Wed Mar 02, 2011 9:59 am

"H" Kittyback TigerFlames wrote:
To Overcome stage freight, Dont look at people's eyes.. Look at the lights and the heads of the audience..

But before that, perform your piece/s first in front of people you are comfortable playing to.. (i.e Parents, siblings, cousins, friends, neighbors, pets, stuff toys.. hehehe kidding)

Sinusubukan ko nang gawin ito, yung magperform in front of family and friends, as well as small groups of non-friends (LOL!) So kahit paano I am getting a hang of playing for an audience.

Pero susubukan ko yang tip mo, tingin straight ahead. Normally kasi pag kinakabahan ako at talagang kailangang maalala ang piyesa, nakapikit ako all throughout. D:

@T@l Ginagawa ko yang 3 yan :) Nakakatulong ng malaki, lalo na yung no. 3
Back to top Go down
baroqueviolin
Sobrang Spammer. Di na nagprapraktis
Sobrang Spammer. Di na nagprapraktis
avatar

Posts : 1970
Join date : 27/03/2010
Location : San Pedro, Laguna

PostSubject: Re: Overcoming Stage Fright   Wed Mar 02, 2011 4:15 pm

@Tal

agree much... ako naman if i have the choice of répertoire... 1st piece slow and easy, or fast basta Easy... para lang mawala ang rush sa dugo pag dating sa 2nd piece... ;-)

Back to top Go down
https://www.youtube.com/user/PeriodinstrumentfaN
T@l Blaiser
Bachendorff
Bachendorff
avatar

Posts : 476
Join date : 31/10/2010
Location : Sampaloc, Philippines

PostSubject: Re: Overcoming Stage Fright   Wed Mar 02, 2011 9:06 pm

baroqueviolin wrote:
@Tal

agree much... ako naman if i have the choice of répertoire... 1st piece slow and easy, or fast basta Easy... para lang mawala ang rush sa dugo pag dating sa 2nd piece... ;-)

Oo nga, nakalimutan ko iyan he he he, Tama! preparation sa pag perform. "Easy piece" muna nga pala para makapag adapt na ang sarili sa sorroundings, then mag proceed na sa complicado na piyesa :D

Nasanay na kasi ako doon sa church kung saan, talagang todo bigay sa opening songs... nang gigising ng tao, Okay lang iyun dahil maraming musikero na kasabay. pero iba na nga pag ikaw ay nag solo :D Also, kaya siguro *** ilan sa mga may "special number" sumasabay na sa choir or sa music team, para makapag warm up bago sila mag perform... pero meron doon na aakyat lang sa stage pag oras na nila[ang galing no] pero may sumasablay pa rin he he he he.

...

@ Halimaw: uy, dinadaan din sa chika :D pero okay iyun, nag e exhibit ka ng "Confidence" and proud ka sa performance mo :D pero take note ka rin sa mga comment ng mga audience, mayroon diyan makakatulong sa pag improve ng performance, pero kadalasan mga pin-tados lang ang karamihan[pintasero/pintasera] mga inggit & KSP kaya wag mo na lang pansinin he he he he.
Back to top Go down
http://tal-blaiser.deviantart.com/
baroqueviolin
Sobrang Spammer. Di na nagprapraktis
Sobrang Spammer. Di na nagprapraktis
avatar

Posts : 1970
Join date : 27/03/2010
Location : San Pedro, Laguna

PostSubject: Re: Overcoming Stage Fright   Thu Mar 03, 2011 10:13 am

Tal,

for me, Iba naman ang

1.> feeling pag tutugtug ka sa Church knowing that you are playing for Him and will not be judged ... ;-)

versus

2.>playing in front of a paying audience who expect that you play with flawless technique and will not think twice to harshly criticize you when you have lapses in intonation and technique

versus

3.>family and friends who listen For The Pleasure of Music Making


Being a Baroque Music Fan, i prefer the 3rd ... Domestic Setting... wala na halos ganyan ngayon... music played for pleasure... ;-)

We've succeeded in "Elevating" classical music so much to the point that "intimate pleasure" is forgotten ... ;-)

I'm not saying it's bad. ...It's just "over done" .... hahahaha...
Back to top Go down
https://www.youtube.com/user/PeriodinstrumentfaN
baroqueviolin
Sobrang Spammer. Di na nagprapraktis
Sobrang Spammer. Di na nagprapraktis
avatar

Posts : 1970
Join date : 27/03/2010
Location : San Pedro, Laguna

PostSubject: Re: Overcoming Stage Fright   Thu Mar 03, 2011 10:16 am

Clarify ko lng... what i mean is ... kung ako tutugtug at ninenerbyos... i would prefer to start with slow music or an easy piece ... before the Pièce de Résistance

Kumbaga sa French Baroque Music may SLOW Intro muna... :)))

Like this >>>

Back to top Go down
https://www.youtube.com/user/PeriodinstrumentfaN
Halimaw_Sa_Banga
Bachendorff
Bachendorff
avatar

Posts : 195
Join date : 05/01/2011
Location : Hall of Frozen Hours, Manila

PostSubject: Re: Overcoming Stage Fright   Thu Mar 03, 2011 10:17 am

@baroque I am lucky that my family has taken a turnaround on music education. I have a pianist cousin, and my brother was tenor for the Lyceum Chorale. Music is now pretty much part of our lives, and boring times are usually ended by impromptu "concerts".

"Bring out teh sheets, it's a f*****g jam session!"

Kaya nasasanay naman kahit paano na may audience in the form of nest door neighbors. LOL! Wala pa namang nagre-reklamo.
Back to top Go down
kanjiruminamoto
Höfner *Adik magpost*
Höfner *Adik magpost*
avatar

Posts : 889
Join date : 05/05/2010
Age : 30
Location : makati

PostSubject: Re: Overcoming Stage Fright   Thu Mar 03, 2011 10:51 am

Noong Bata pa ako, Grabe ang Stage Freight ko.. Pag nasa harap ako ng Maraming tao
Talagang *** Boses ko Nanginginig tapos Parang ang buo kong katawan ay Constricted.
dalawang Beses na akong nagperform kung baga sa Stage, *** una ay Tumula ako, at *** Pangalawa ay, Nabanggit ako ng Panunumpa sa Watawat.
Grabe.. Pakiramdam ko ay nahihilo ako nang di ko malaman! at parang kinakapos ako ng hininga,
pero sabi ko ayaw kong mapahiya. at Gusto kong mawala *** Takot sa Harap ng Karamihan.
Kaya gumagawa ako ng Paraan upang mawala ang Takot na iyon.
Tinulungan din ako ng mga Naging Guro ko sa Highschool, at sa Collegio.

Sinabi ko talaga sa Kanila ang Aking Problema, upang masolusyunan,
ang sabi sa akin,
*** sa Highschool
1. isipin mong Walang Ibang Tao sa Paligid Bukod sa iyo at iyong mga ka-Grupo.
2. huwag mong isipin ang susunod mong gagawin, sa halip isipin mong magagawa mo ang Lahat ng Tama
3. Palayain ang Isipan sa mga di magagandang/ Negatibong Pag iisip Dahil mag reresulta ito sa pagka taranta o pagkakakaba.
4. Isipin mong Matatapos din ang Lahat kung at Makakahinga ng Maluwag pag natapos na ito.

sa Collegio

1. Isipin mong Nakikipag-pagalingan ka sa Kalaro mo
2. Isipin mong Kahit hindi ka mayabang, Nagyayabang ka sa Kagalingan mo
3. Huwag mong isipin na mas magaling ang iba at wala kang pag asa sa Kagalingan nila
sa halip tatalunin ko siya at gagawin ko ang makakaya upang matalo
pero kung solo Performance at walang Kumpetisyon.
1. Unang Isipin Nandoon ka sa Harap ng Mga tao para Pasayahin sila
2. Katulad noon, Isipin mong Ipinapakita mo ang Talento mo, Ine- expose mo ang sarili mo
at maging Confident ka sa Ginagawa mo dahil alam mong tama ang ginagawa mo,
Pag nagkamali Huwag ipahalata, Gawan agad ng Paraan upang matakpan ang Kamalian,
o pagnagkamali kung masisiguro na hindi halata, huwag pahalatain.

Lahat kasi ng mga Performance na Nandoon ako ay for Competition, Kaunti lang ang hindi para sa Kumpetisyion.
kagaya ng Sabayang pagbigkas, Group Dance, at Folk Dance/Ballroom.
at ayun nawala nmn din si Stage Freight, Siguro Kahit Kaunti meron Parin pero kayang Imanage...

Ganyan ang Explanation ko sa nauna kong pagkakabanggit.
hays.. Naiisip ko tuloy pag nag Recital ako T_T ahaha!
NA try mo nmn ata Ate Halimaw sa Banga na Tumugtog With the PV sa Food court or sa Mall? diba? isa ring paraan un para mawala *** Takot para masanay kang maraming nakapaliot na taong nanunuod sa iyo :D
I hope this Will Help also

@ Kuya Baroqueviolin Angganda po ng Sinabi mo Kuya! :D
Back to top Go down
kanjiruminamoto
Höfner *Adik magpost*
Höfner *Adik magpost*
avatar

Posts : 889
Join date : 05/05/2010
Age : 30
Location : makati

PostSubject: Re: Overcoming Stage Fright   Thu Mar 03, 2011 10:56 am

Ou nga pala halimaw sa Banga *** pinsan ko nakasali din sa Lyceum Chorale,
di ko lang alam ang Voice Posision niya doon, ahahaha!
Back to top Go down
luigi-kun
Sobrang Spammer. Di na nagprapraktis
Sobrang Spammer. Di na nagprapraktis
avatar

Posts : 2230
Join date : 01/04/2010
Age : 24
Location : Quezon City, Philippines

PostSubject: Re: Overcoming Stage Fright   Sat Mar 05, 2011 12:00 pm

talagang stage freight? hahaaha

ako din mababa confidence. :( pero medyo nag iincrease na as i play more in public. not like before na walang wala talaga pag nasa stage na. :))
Back to top Go down
http://www.pinoyviolinist.com/
Franco_G
Bachendorff
Bachendorff
avatar

Posts : 43
Join date : 03/05/2010
Location : San Juan City

PostSubject: Re: Overcoming Stage Fright   Thu Mar 10, 2011 5:30 pm

Well, my experiences with stage fright is a bit different.
When I was a kid and all through my high school days I really have a worse stage fright. As such, I would try my best to not get involved in stage plays, dance performance or anything that will make me take a step on the stage.
However nowadays, I believe I have gained enough confidence to even stand on stage and perform stand up comedy. Pero wala sigurong matatawa!
But whenever I play violin in front of an audience, kinakabahan ako. Worse, nag vivibrato pa *** right hang ko as in nanginginig. Haha!
I think the solution is to have more performance experience. Pag mas sanay na mas di na kinakabahan. :D
Back to top Go down
BluePipes
Cremona
Cremona
avatar

Posts : 30
Join date : 28/12/2010
Age : 24
Location : Davao

PostSubject: Re: Overcoming Stage Fright   Sun Mar 13, 2011 12:36 pm

Basta sa simula, mane-nervous ka talaga, but as your performance goes on, nawawala din naman. Bago ako pupunta sa stage, nagpre-pray muna ako. Pag nasa stage na, diretso tingin lang ako at hindi sa audience. Nakakatulong yan sa akin.
Pero sa violin hindi ko pa na-experience mag-play sa maraming tao. Kahit magpractice lang ako mag-isa eh nane-nervous na ako xD
Hindi talaga mapigilan ang stage fright.
Back to top Go down
"H" Kittyback TigerFlames
Sobrang Spammer. Di na nagprapraktis
Sobrang Spammer. Di na nagprapraktis


Posts : 1577
Join date : 28/03/2010
Location : Baguio City

PostSubject: Re: Overcoming Stage Fright   Fri Sep 23, 2011 7:56 am

Last month, nagplay kami sa SM baguio...

Wala ako naramdamang stage freight kasi wala naman kaming stage.. Yung mga upuan nakalagay lang sa semento at saka magkakalevel lang kami ng mga manonood..

Bottomline: Pag nagperform ka at walang stage, walang fright.. walang nerbyos hehehe..
Back to top Go down
Sponsored content




PostSubject: Re: Overcoming Stage Fright   

Back to top Go down
 

Overcoming Stage Fright

View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Pinoy Violinists :: Fiddler's Lounge :: General Discussion-